Empoy nagtinda ng chicharon, mani noon; nagbukas na ng sariling restaurant ngayon
Binalikan ni Empoy Marquez ang kanyang simpleng pinagmulan sa isang episode ng Magandang Buhay.
Dito nalaman ng madlang pipol na bago siya nakapagbukas ng sariling restaurant, naging vendor muna siya sa Bulacan.
Nagtinda siya noon ng chicharon at mani para may maipambaon sa school.
Sa pagbabalik nga ni Empoy sa isang lugar sa Bulacan kung saan siya nagtinda noon, nagbigay siya ng payo sa lahat ng mga nangangarap magkaroon ng magandang buhay na huwag na huwag susuko sa laban.
Ipinakita rin ng komedyante sa madlang pipol ang bagong bukas niyang resto, ang Wayback90’s kung saan makikita ang kanyang mga naipong memorabilia, mula sa mga luma niyang toy collection, hanggang sa mga arcade machines na kanyang kinalakihan.
Nagsimulang lumaki ang pangalan ni Empoy sa industriya ng telebisyon at pelikula mula nang maging big hit ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na “Kita Kita” noong 2017 na kumita ng mahigit P320 million worldwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.