HELLO, Ateng Beth.
In-love po ako sa bading na officemate ko. Ang problem ko ay hindi ko alam kung paano ko maipapakita sa kanya at masabi sa kanya na love ko na siya.
Alam naman ninyo na may biases pa ang mga tao tungkol sa ganitong mga feelings. Paano ko ba ito masasabi sa kanya without being judged sa ginagawa ko?
Nakalimutan ko pong banggitin, boss niya ako.
– RJ, Mandaluyong City
Hello, RJ! Di ko alam kung babae o lalaki ka.
Unang problema: paano maipapakita ang feelings ke bading na officemate?
Question. May karelasyon o single si bading? Pag meron, maghintay hanggang mawala. Isabotahe ang relasyon nila para mawala, hahaha. Joke!
Pag wala, e, di walang problema, madali naman kausap mga bading hindi ba? Madaling maka-gets ang mga ‘yan kung anong gusto mo sabihin o iparamdam.
Kaya, basta sabihin mo na kay ateng ang nararamdaman mo. Tapos ang boksing.
Pangalawang problema: paano sasabihin without being judged? Boss, ikaw na rin nagsabi na may biases ang mga tao pagdating sa ganyang relasyon.
So either hayaan mong ‘yun ang magdikta sa buhay mo, o hayaan mo sila sa mga biases nila, again, choose one.
Lahat ng bagay na ginagawa natin, me biases at opinion ang mga tao. Ke babae ang piliin mo, me biases pa rin sila – ba’t yan? Ampangit, ang ganda – amputi, ang itim – ang yaman, ang hirap, ang landi, ang conservative – gets mo? May opinion at sasabihin sila. So pangatawanan mo.
Pwede rin namang makinig ka sa kanila at every time may opinion sila, magpalit ka ng dyowa. Hahaha. Siguro naman pag patay nang lahat ang nago-opinyon sa iyo, makakahanap ka na rin ng kasiyahan.
So you choose your own destiny, boss. You can listen to their opinion, pero ikaw ang mag-decide ng kapalaran mo. Until and unless kaya mong panindigan ang katangahan/bright choices mo at gusto mong lumigaya o mag-please ng people hanggang sa pagtanda mo, the choice is yours alone. Gets?
May suliranin ka ba tungkol sa pag-ibig, relasyon, pamilya o career, itanong na at may sey si Ateng diyan. I-text lang sa 09989558253.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.