Bitoy buking ni misis: Na-starstruck kay Dawn sa shooting ng ‘Family History’
NA-STARSTRUCK si Michael V kay Dawn Zulueta sa unang shooting day ng pelikula nilang “Family History” under his own production company MicTest and GMA Pictures.
Ang MicTest Productions ay binuo ni Bitoy with his wife Carol Bunagan habang ang GMA Pictures naman ay nasa ilalim ng GMA 7 Entertainment Group. At nagsanib-pwersa nga sila para sa unang directorial job ni Bitoy sa pelikula.
Kuwento ng Kapuso comedian first choice nila si Dawn for the film at talagang kinarir ng kanyang misis na si Carol ang pagkuha sa award-winning actress.
Chika ni Carol, “Unang-una, si Dawn, that’s Dawn Zulueta.” Singit naman ni Michael V, “Aminin mo na rin kasing fan ka!”
Patuloy ni Carol, “Hindi natin matatawaran yung galing niya at saka following niya. Parang ako, medyo adamant ako sa idea na it has to be Dawn, kasi who would think Michael V. and Dawn Zulueta will ever come out in a movie?”
Para naman kay Bitoy, “Marketing wise, it’s also a come on na parang, ‘Bakit gagawa ng movie, hindi naman bagay itong dalawang ito sa movie?’ Hopefully, ma-prove namin na pwede pala.”
Nang makausap namin si Bitoy a few days ago, sinabi niyang naka-two shooting days na sila at baka raw sa June na ito ipalabas. Dito nga ibinuking ni Carol ang pagka-starstruck ng asawa kay Dawn.
“Noong first shooting day, nakita ko, starstruck, e. Parang nagdi-direct pero fan, e! Noong una, hindi ko pinapansin masyado,” ani Carol.
Hirit naman ni Bitoy, “May mga linyang nakakalimutang sabihin. ‘Ay, hindi ba niya sinabi yun?'”
Sey naman ni Carol, “E, ako may hawak akong script. Ang layo yata noong linya sa script?” Pero sasabihin daw ng Kapuso comedian, “Good, good. Good take, Dawn! Galing mo!”
Papuri pa ni Bitoy sa kanyang leading lady sa movie, “Si Dawn, masaya siya kasama. As you would expect from any other artista, the fact na sumali siya at nag-agree siya, she’s willing to undergo that kind of change na gusto naming mangyari.”
Natutuwa rin sila kay Dawn dahil talagang involved daw ito sa pag-develop ng movie. Sey ni Michael V,
“Ang dami ko pang ni-revise because of her input na hindi ko naman ire-revise kung hindi valid.
“E, dahil nag-invest na siya doon sa character niya, we have to take that into consideration and she makes a lot of point about her character. Collaborative siya,” sey pa ni Bitoy.
Tinanong din namin siya kung may intimate scenes sila ni Dawn sa “Family History.”
“Depende how you look at it. Ako, aware sa status niya as a married woman, ako aware din ako sa akin. Never naman akong naging intimate with anyone on-screen.
“That’s because part of the image sa career ko, sa career path ko, is not going that direction, so it’s unnecessary. Pero we have enough, without revealing too much of the plot, parang di kailangan,” aniya pa.
Samantala, ibinalita rin ni Bitoy na isa pa sa mga plano niya in the future bilang director-producer ay ang pagsasama nila muli ng kanyang kaibigang si Ogie Alcasid sa isang pelikula.
Ngayon pa lang ay pinag-iisipan na niya kung ano ang tema at concept nito. Dapat daw talagang kakaiba ang istorya ng magiging reunion movie nila ni Ogie para magmarka sa manonood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.