GOOD day Action line!
Ako po si Norma, nakatira sa Davao City at isang senior citizen. Gusto ko lang magbakasakaling
matulungan ng Action Line kaming mga senior citizen kaugnay sa nalalapit na eleksyon.
Dahil sa ang iba ay may sakit na at hindi makalakad ng malayo at di na rin makatagal pumila sa mga presinto, kung maaari sana ay makaboto kami nang maaga o mauna kami sa mga hindi senior citizens.
Matagal pa naman ang election, kaya sa Aksyon Line kami humuhingi ng tulong na maparating sa Comminsion on Election kung paano nila magagawan ng paraang hindi na kami mahirapan bumoto.
Kahit na senior citizen na kami, gusto pa rin naming ibigay ang karapatan naming makapili ng kandidatong karapat-dapat maglingkod sa ating bansa.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Norma R. Cuenza
REPLY: Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik at pagtitiwala sa aming pahayagan.
Makakaasa po kayo na maipaparating namin sa Comelec ang inyong kahilingan.
Patuloy po na tangkilikin ang aming pahayagan.
Maraming Salamat po.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.