Ilagan City jin naging unang gold medalist sa 2019 Batang Pinoy Luzon leg | Bandera

Ilagan City jin naging unang gold medalist sa 2019 Batang Pinoy Luzon leg

- March 18, 2019 - 08:06 PM

HINDI pinalampas ng host Ilagan City ang pinaglabanan na pinakaunang gintong medalya sa pagsisimula ng aksyon Lunes ng umaga sa pagwawagi sa cadet male poomsae individual event sa ginaganap dito na 2019 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Luzon Qualifying leg sa San Felipe National High School.

Itinala ng 12-anyos na si Eljay Marco Vista ang kabuuang iskor na 7.670 sa disiplina para sa 13-and-below upang agad na ipadama ang pagnanais ng host city na tanghalin sa kauna-unahang pagkakataon bilang overall champion ng torneo na para sa mga kabataang atleta na in at out-of-school-youth na edad-15-anyos pababa.

“Hindi po madali kasi may nakalaban po ako na naka-gold sa Palarong Pambansa, kaya hindi muna ako nag-expect na maka-gold. Taga-Olongapo po siya kaya tinatagan ko lang po ang loob ko at inilabas ko ang lahat ng makakaya ko para manalo,” sabi ng Grade 6 student mula sa Ilagan South Central School at nasa una nitong pagsali na si Vista.

“Na-inspire po ako sa isang miyembro ng national team na nagpunta sa region namin at siya ang nagtuturo sa akin ngayon na si Ernesto Guzman Jr. Gusto ko po siya tularan maging miyembro ng national team,” sabi ni Vista.

Pumangalawa kay Vista si Kacey Canlas ng Olongapo City na nagtala ng 7.600 para sa pilak at ikatlo si Wreily Canao ng Baguio City na may 7.465 puntos para sa tanso.

Hindi naman nagpaiwan sina Ian Matthew Corton ng dating kampeon na Quezon City at Aesha Kiara Oglayon mula sa nagtatanggol na kampeon na Baguio City sa pagwawagi ng gintong medalya sa sinalihang poomsae junior boys at cadet girls.

Nagtala si Corton ng kabuung 8.105 iskor upang talunin sina King Nash Alcairo ng Quezon Province na may 8.04 para sa pilak at sina Emmanuel Christopher Austria ng Naga City na may 7.95 puntos at Carl John Viloria ng Alicia, Isabela na may 7.88 para sa tanso.

Umiskor naman si Oglayon ng 7.82 para maungusan sina Khyla Kreanzzel Guinto ng Baguio na may 7.765 puntos at ang kapwa nag-uwi ng tanso na sina Antonette Medallada ng Parañnaque na may 7.65 at Princess Mariano mula sa Pangasinan na may 7.635.

Samantala, itinala ng Olongapo City at Pangasinan ang unang panalo sa boys’ beach volleyball.
Tinalo ng Olongapo ang host na Ilagan City, 21-5 at 21-4, habang binigo ng Pangasinan ang Mandaluyong City, 21-18 at 21-15.

Naatras naman ang dapat sanang maigting na kompetisyon sa swimming matapos magdesisyon ang nag-oorganisa na Philippine Sports Commission (PSC) na iusog ang mga laro dahil sa hindi malinaw na tubig sa swimming pool.

Nakataya sa unang araw ng medal rich na swimming ang 14 na gintong medalya habang 16 naman sa archery na magsasagawa sa hapon ng kampeonato sa mga category na yeoman, bowman, cub at cadet.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending