Horoscope, March 18, 2019 | Bandera

Horoscope, March 18, 2019

Madam Sophia - March 18, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magsuot ng pula. Makikita mo, susuwertehin ka! Sa pinansiyal, kapag nakasuot ng pula, kusang mahihigop ang maraming pera. Sa pag-ibig, kapag nakasuot ng pula, lalakas ang iyong karisma at likas na panghalina, hind lang ka opposite sex ang maaakit mo pati na rin ang magagandang kapalaran. Mapalad ang 9, 18, 25, 24, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kashta-Raga-Om.”

Aries – (Marso 21-April 19)— Paglaanan ang iyong pagtanda, upang kapag sumapit ang panahong iyon wala kang pagsisihan. Sa pag-ibig, likas na pabago-bago ang damdamin, tandaan mong walang forever. Mapalad ang 6, 12, 23, 34, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nemo-Me-Impune-Om.” Red at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag ng masyadong pakaisipin ang mga taong pinautang mo na hindi nagsipag bayad, magkakasakit ka lang – tutal malapit na ang Holy Week patawarin mo na lang sila at wag na uling pauutangin pa. Sa pag-ibig habang lumalapit ang tag-araw lalong iinit ang romansahan. Mapalad ang 9, 17, 19, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Lilac at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Paikot-ikot lang ang kapalaran. May suwerte, upang pagkatapos nito ay tag-alat naman. Dahil ganito talaga ang buhay, mahalagang mag-ipon. Kapag marami kang pera at mayaman ka na, ikaw ang magiging panginoon ng iyong mga kapit bahay at mga kamag-anak. Mapalad ang 5, 14, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gosvami-Om.” Gray at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag isentro ang buhay sa masikip na sirkulo ng mga kamag-anak at kapamilya. Maaari kang lumabas ng bahay at magpunta sa malayong lugar. Sa ganyang paraan, nilalawakan mo ang iyong mundo, magtatagumpay ka at higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 19, 25, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Panahon na upang alisin ang yabang at pride sa iyong katawan. Tularan mo ang dagat, mas mababa sa bundok, kaya laging puno ng tubig. Ibig sabihin, kapag nagpakumbaba ka, lalo kang sasagana at mas magiging maligaya. Mapalad ang 3, 9, 13, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Ut-Intelligam-Om.” Yellow at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Ibuhos ang lahat ng lakas upang kumita ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, kung higit mong inuunawa ang sitwasyon at ang damdamin ng iyong kasuyo, mas magiging payapa ang isipan. Mapalad ang 5, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis vivit qui bene vivit.” Gray at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Pagkain at makulay na kapaligiran ang magbibigay ng suwerte. Maghain sa hapag kainan ng mga prutas na may ibat-ibang kulay. Ang mga bagay na ‘yan ang magpapalakas ng libido at enerhiya upang mas madaling masagap ang magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Colors are the smiles of good fortune.” Red at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Dasal at katahimikan ang puso ang susi upang lumigaya. At pagkatapos ipatupad mo na ang matindi mong pangarap at layunin. Sa ganyang paraan makikita mo, mas madali ka ng liligaya at uunlad. Mapalad ang 7, 13, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Per-Aspera-Ad-Astra.” Green at brown ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tuloy ang pasok ng malaking halaga ng salapi. Tulad ng dati ng pormula ng mga mayayaman, savings o ipon muna bago gumastos. Sa pag-ibig wag abusuhin ang kabalitan at pagiging masunurin ng kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vid-Hunan-Vid-Hunan-Om.” Green at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa negosyo, umpisahan ng mangalakal sa ibat-ibang lugar. Sa pag-ibig paghandaan ngayon pa lang ang summer vacation sa isang lugar na malapit sa tabing dagat. Mapalad ang 5, 14, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Aum.” Silver at gray ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi mo ba napapansin, sa umpisa lang tama ang iyong ginagawa, pero sa bandang huli, pagluha lang at kabiguan ang iyong napapala? Upang makamit ang inner peace at true happiness, hindi ikaw ang dapat mag-pasya sa iyong buhay, kundi ang kasuyong Libra. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Green at gold ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Paikot-ikot lang ang pangyayari, sa kabiguan din nauuwi ang lahat, habang kusang nangyayari ang nakatakda. Mas mainam pang, wag ka ng mag-plano at mag patupad upang hindi ka mabigo. Kung ano ang ginagawa mo sa ngayon, pagbutihin mo na lang! Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Just go with the flow.” Lilac at purple ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending