Hiling ng fans: Sana matuloy na ang movie nina Maricel at Maine, dedma na kay Alden | Bandera

Hiling ng fans: Sana matuloy na ang movie nina Maricel at Maine, dedma na kay Alden

Alex Brosas - March 17, 2019 - 12:15 AM


KINONTRA ng isang guy ang nasulat na napakataas ng rating na nakuha ng sitcom nina Maine Mendoza at Vic Sotto nang mag-guest si Alden Something.

“Excuse me, but wrong info. Hindi nakakuha ng napakataas na rating ang guesting ni Alden sa Daddy’s Gurl. Instead, bumaba pa nga eh. Don’t get fooled,” say ng isang faney.

Hindi naman nagbigay ng figure ang faney kaya hindi substantiated ang kanyang claim.

But should it be true, mukhang hindi na nga pasok sa banga ang tambalan nina Maine at Alden.

Obviously, magiging fake na lahat ng pagpapakilig ni Alden kay Maine because in real life ay may Arjo Atayde na ang dalaga.

Nagtatalo ang AlDub fans sa social media. Mayroong pinalalabas na masama si Maine at mayroon namang naninisi kay Alden.

As it is, separate na talaga ang dalawa. They’re no longer a popular loveteam dahil buwag na ang kanilang tambalan.

It cannot be denied that the two stars are heading on different pathways. Si Alden ay itinambal na kay Kathryn Bernardo, something which is some sort of an experiment.

Si Maine naman, wish ng fans ay matuloy ang movie na pagsasamahan nila ni Maricel Soriano. It’s a Mother’s Day film na may splash of drama and comedy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending