Digong ipinag-utos na maglabas ng tubig mula Angat Dam sapat para sa 150 araw

By Bella Cariaso March 15,2019
share this

Digong ipinag-utos na maglabas ng tubig mula Angat Dam sapat para sa 150 araw

By Bella Cariaso March 15,2019
share this

IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte na magpakawala ng tubig mula sa Angat Dam sapat para sa 150 araw na pangangailangan ng mga apektadong residente sa Metro Manila.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na epektibo ang direktiba ni Duterte alas-12 ng tanghali ngayong araw.

“The President is aware and concerned of the sufferance of the residents of Metro Manila due the present water crisis.  The President is directing the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) to demand from the Manila Water Company, Inc., Maynilad Water Services, Inc. and other responsible offices to release water from Angat Dam by noon time today, March 15, good for 150 days, in order to supply the affected areas in Metro Manila and deliver, as well as distribute sufficient water to the residents thereof,” sabi ni Panelo.

Nagbanta rin ang Palasyo na mananagot ang mga opisyal sakaling mabigong tumalima sa kautusan ni Duterte.

“Failure to act or comply with this directive, the President will personally go to them and make the responsible officers account for such failure,” dagdag ni Panelo.

Mahigit isang linggo nang walang tubig ang maraming lugar na sineserbisyuhan ng Manila matapos na maging kritikal ang tubig sa La Mesa Dam kung saan ito kumukuha ng suplay.

Nauna nang sinabi ng Palasyo na artipisyal lamang ang nararanasang water shortage sa Kalakhang Maynila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending