2019 Mr. & Miss Hundred Islands rarampa na

By Bandera March 15,2019
share this

2019 Mr. & Miss Hundred Islands rarampa na

By Bandera March 15,2019
share this

Ang ilan sa mga kandidata sa 2019 Mr. & Miss Hundred Islands

 

Ngayong Linggo na, March 17, rarampa ang mga official candidates para sa 2019 Mr. & Miss Hundred Islands na gaganapin sa Lucap Wharf, Alaminos City, Pangasinan.

Ilan sa mga celebrities na inaasahang makikisaya sa annual event na ito ay sina Alma Concepcion, Tonton Gutierrez, Sherilyn Reyes, Glydel Mercado at Hashtag Ryle Tan with Bb. Pilipinas Globe 2018 Michelle Gumabao.

Bago ang grand coronation night na pamamahalaan ni Mylene Manalastas, nagkaroon muna ng Creative Costume and Talent Night ang lahat ng candidates na bahagi ng pre-pageant night last week na ginanap din sa Lucap Park.

Winner ang kanilang Parade of Futuristic Paraw Costumes, designed my most talented Pangasinense Designers. Naging special guest din sa Preliminaries ng Mr. and Miss Hundred Islands 2019 ang aktor na si Cesar Montano.

Bukod dito, nag-courtesy call din ang mga official male and female candidates kay Mayor Arthur Celeste at BM Arth Bryan Celeste.

Sino nga kaya ang mag-uuwi ng korona at titulo bilang 2019 Mr. & Miss Hundred Islands? ‘Yan ang ibabandera namin sa inyo very soon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending