Pichay pinatawan ng 90-days suspension ng Sandiganbayan
SINUSPINDE ng 90 araw ng Sandiganbayan Fourth Division si House Deputy Speaker at Surigao del Sur Prospero Pichay sa kinakaharap nitong kasong katiwalian kaugnay ng kanyang dating posisyon sa Local Water Utilities Administration.
“… it is affirmed that this Court, by putting the accused under suspension, is merely doing what is required of it by law,” saad ng limang pahinang desisyon ng korte.
Ang liderato ng Kamara de Representantes ang inatasan na magpatupad ng suspensyon.
Hinarang ni Pichay ang hiling ng prosekusyon na siya ay suspendihin dahil ang kasalukuyan umano niyang posisyon ay hindi makaka-impluwensya sa LWUA kung saan siya dating chairman.
Sinabi din ni Pichay na sa ilalim ng doktrina ng separation of powers ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan na magsuspendi ng miyembro nito.
Pero saad ng korte: “Accused Pichay’s contention is without merit. In this case, the record show that accused Pichay is charged under three separate valid Informations with violations of Section 3 (e) of RA 3019 (anti-graft law). Significantly the suspension pendent lite of the said accused is mandated under Section 13 thereof.”
Ang kaso ay kaugnay ng pagbili umano ng LWUA sa luging thrift bank na pagmamay-ari ng pamilya ni Sen. Sherwin Gatchalian na nauna ng napawalang-sala ng korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.