Jo Berry inaatake na ng ‘sepanx’ sa nalalapit na pagtatapos ng Onanay | Bandera

Jo Berry inaatake na ng ‘sepanx’ sa nalalapit na pagtatapos ng Onanay

Ervin Santiago - March 13, 2019 - 12:15 AM


NGAYONG Friday na ang pasabog na finale ng GMA primetime series na Onanay na pinagbibidahan nina Jo Berry, Nora Aunor, Mikee Quintos, Kate Valdez at Cherie Gil.

Aminado si Jo na napakarami niyang natutunan sa pagganap bilang Onay at siguradong matatagalan bago siya maka-move on sa kauna-unahan niyang teleserye.

Ano ang nararamdaman niya ngayong matatapos na ang Onanay? “Sepanx na po ako agad. Nalulungkot ako, sepanx na ako agad sa kanilang lahat dito. Tsaka siyempre, kay Onay. Pero super blessed po talaga.

Hindi ko pa nga rin ma-compose yung right words ng feeling ko ngayon.

“Parang kulang yung thank you kung gaano ako ka-thankful sa opportunity and sa chance po na binigay sa akin to portray Onay,” aniya pa.

Ano ang aasahan ng milyung-milyong Pinoy na sumubaybay sa kanilang programa na ilang beses ngang na-extend dahil sa taas ng rating nito, “Siyempre, gusto ko po ng happy ending. Lahat naman tayo yun ang gusto, happy ending.

“Tsaka, sa lahat naman po ng pinagdaanan ni Onay, I think she deserves a happy ending with her family. With regards with Lucas naman po, hindi ko po alam kung anong gusto kong ending sa part na yun,” dugtong pa ng bulinggit at magaling na aktres.

Ano ang natutunan niya sa Onanay? “Marami, unang-una po yung love is very powerful lalo na yung love ng mother na kahit anong pagdaanang hirap sa buhay, hindi naman permanente yung hirap na yun. Magiging okay ka rin kahit gaano katagal.”

Posible bang ma-in love ka rin sa isang normal na lalaki sa tunay na buhay tulad ni Lucas na ginagampanan ni Wendell Ramos, “Oo naman po. Di ba wala namang impossible I mean when it comes to… when you talk about love wala namang gender, height, age, or estado sa buhay.”

Bakit proud ka sa Onanay? “Ang unang-unang dahilan kung bakit ako proud sa Onanay, kay Onay, kasi she represents of course the differently abled people around the world and she represents a very loving mom despite of all.

“Na-broken na siya ng ilang beses, ang dami niyang pinagdaanan, but still, she remains a woman with a heart that is full of love and capable of loving her daughters,” sagot ni Jo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang huling tatlong gabi ng Onanay sa GMA Telebabad after Kara Mia, sinisiguro ni Jo na maraming makaka-relate sa ending ng serye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending