Chokoleit sumobra sa pagtatrabaho, nakalimutan ang kalusugan | Bandera

Chokoleit sumobra sa pagtatrabaho, nakalimutan ang kalusugan

Cristy Fermin |March 12,2019
facebook
share this

Chokoleit sumobra sa pagtatrabaho, nakalimutan ang kalusugan

Cristy Fermin - March 12, 2019 - 12:15 AM


NANG makarating sa amin ang balitang pumanaw na ang komedyanteng si Chokoleit ay naalala namin agad si Claudine Barretto. Naging sobrang close sila sa seryeng Marina.

Nasaksihan namin ang kanilang pagmamahalan, isinasama siya sa amin ni Claudine kapag may panahon, mahal na mahal siya ni Claudine.

Bilang ganti ay ganu’ng pagmamahal din naman ang ipinakikita niya para kay Claudine. Sa mga panahong nagiging magulo ang buhay ni Clau-Clau kung tawagin niya ay si Chokoleit ang palaging nasa tabi ng aktres. Siya ang nagdedepensa kay Claudine, siya ang tapagpagtanggol ng kanyang kaibigan, loyal si Chokoleit kay Claudine.

Kahit minsan ay hindi namin nabalitaan na may dinaramdam pala si Chokoleit. ‘Yun ang unang-unang ipinagtataka ng kanyang mga kaibigan, wala siyang sinasabi, hindi siya nagrereklamo kahit kailan.

Nadagdagan ang kanyang timbang nitong mga huling taon, mabilis siyang napapagod, dahil sa sobrang pagkaabala sa kanyang trabaho ay nakaligtaan niyang unang pagmalasakitan ang kanyang kalusugan.

Isang mapayapang biyahe sa dako pa roon sa isang komedyanteng itinuring na gamot sa kalungkutan ng ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending