Female celebrity nuknukan ng damot, walang awa sa bodyguard, kasambahay | Bandera

Female celebrity nuknukan ng damot, walang awa sa bodyguard, kasambahay

Cristy Fermin |March 12,2019
facebook
share this

Female celebrity nuknukan ng damot, walang awa sa bodyguard, kasambahay

Cristy Fermin - March 12, 2019 - 12:15 AM


ANG ganda-ganda ng female personality na ito. Walang mali sa kanyang itsura, kahit kanino siya itabi ay siguradong panalung-panalo pa rin ang kanyang kagandahan.

Pero bakit kaya lahat ng pumapasok sa poder nilang mag-asawa ay hindi kagandahan ang mga sinasabi tungkol sa kanya? Okey raw ang mister ng aktres pero siya ay kuwestiyonable ang ugali.

Kuwento ng isang source, “Iisa lang ang sinasabi ng lahat ng mga umaalis sa family nila, maramot ang female personality, walang pakialam sa kanilang mga tauhan. Maraming kuwentong hindi kagandahan tungkol sa kanya.

“Kuwento ng mga umaalis sa kanila, e, walang malasakit ang girl, walang pakialam sa kanila, may kahigpitan daw ang bulsa. Ibig sabihin, okey ang husband niya, pero ang female personality, e, hindi!

“Wala silang masasabing hindi maganda tungkol sa mister ng aktres kundi ang parang under siya ng girl. Kapag sumimangot na kuno ang babae sa gustong mangyari ng husband niya, tapos na ang kuwento.

“Sinusunod na lang siya ng mister niya para wala nang argumento. Kaya raw naman lumalaki ang ulo ng female personality, kasi nga, siya lagi ang panalo,” simulang kuwento ng chikadora naming impormante.

Pero kung tinitingnan mo lang ang female personality ay para siyang mahinhin na ni hindi makapapatay ng kahit lamok lang. Pero malayo kuno ‘yun sa kanyang tunay na personalidad.

Patuloy ng aming source, “Malalaking tao sila, kaya meron silang mga bodyguards. Walang problema sa lalaki, walang kahit anong pintas na masasabi tungkol sa kanya ang mga nagbabantay sa kanila. Pero sa female personality, e, meron. Marami!

“Mahilig siyang mag-shopping, yayamanin naman kasi sila, kaya puwede siyang gumastos nang kahit magkano. Kapag lumalabas siya ng house, e, meron din siyang mga bodyguards.

“Tom Jones (read: gutom) ang mga bantay niya dahil hindi siya nagbibigay ng pambili ng food. Yes, wala silang lafang habang nag-iikot sa pagsi-shopping ang female personality.

“Wala siyang pakialam sa bituka ng ibang tao, ang gutom lang niya ang pinakikialaman niya, hindi gaya ng mister niya na hindi kumakain nang hindi rin kumakain ang mga bantay niya.

“Sayang, ang ganda-ganda pa naman niya. Magkabangga sila ng isang aktres na ayaw magpakabog ng ganda sa kanya. Maraming pangalang inuulit. Pili na lang kayo kung alin du’n ang sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Micmic, Shasha, Dondon, Minmin at marami pang iba. Getlak n’yo na, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending