TULOY na tuloy na ang gagawing international movie ni Heart Evangelista.
Ito ang kinumpirma ng Kapuso actress sa panayam ng GMA 7 nang isa-isahin ang mga proyektong gagawin niya ngayong 2019.
Excited na raw siya sa pagsisimula ng shooting for her first international movie at ito raw ang isa sa mga pinaghahandaan niya ngayon.
“Well, I’m leaving again for another month,” ani Heart. “I’ll be shooting a movie and some of the parts will be shot in the States,” dugtong pa niya.
“So that’s something I’m definitely looking forward to this year and something I’m very excited to talk about,” pahayag pa ng misis ni Chiz Escudero.
Kung matatandaan, kumalat ang balita na makakasama si Heart sa isang Hollywood movie at partikular na tinukoy ang sequel ng “Crazy Rich Asians”, ang “Crazy Rich Girlfriend”. Pero nauna nang sinabi ng aktres na ibang proyekto ang tinutukoy niya.
Aside from this, hindi pa rin napapabayaan ni Heart ang kanyang personal life, siyempre kailangan pa rin siyang magpaka-wifey kay Chiz at ang pagiging artist niya. Idagdag pa ang kanyang pag-attend sa iba’t ibang mga fashion shows around the globe.
Magiging judge din siya sa bagong season ng StarStruck sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.