Allergy: Myths and facts | Bandera

Allergy: Myths and facts

AFP - March 11, 2019 - 08:00 AM


BATAY sa pagtaya ng World Health Organization (WHO), aabot sa 50 porsyento ng kabuuang populasyon ang makararanas ng isang uri ng allergy sa 2050.

Narito ang walong ta-linhaga o katotohanan tungkol sa allergy:

1. Mas maraming tao ang may allergy tuwing “spring” kesa sa “winter”.

Mali. Maaaring makaranas ng allergy ang mga tao sa buong taon. Maaari kang magkaroon ng allergy sa dust mites, animal hair, mold, foods o drugs, o magkaroon ng allergic asthma o skin reactions.

2. Mas maraming tao ang nagkakaroon ng allergy sa nayon kesa sa urban areas.

Mali. Mas nararanasan ang allergy sa urban areas, dahil na rin sa tindi ng polusyon dito.

3. Dumarami ang kaso ng allergy dahil sa environmental factors.

Korek. Ayon sa teorya, nagbabago ang intestinal at respiratory flora ng katawan dahil sa pagliit ng biodiversity sa ating kapaligiran. Bumababa ang tolerance na nagiging sanhi ng allergy. Ang ilang factor ay indoor at outdoor atmospheric pollution, at pagkain.

4. Kinakailangan ang skin-prick test para matukoy kung ano ang allergy ng isang tao.

Tama. Kinakailangan ang skin-prick test, kasabay ng katanungan kung kailan umaatake ang allergy.

Kung kinakailangan, makatutulong ang “allergen-speci-fic IgE” blood test para matukoy ang allergen o allergens. Maaaring i-sagawa ang mga test kahit bata pa.

5. Mas mababa ang polusyon sa indoor air kumpara sa outdoor air.

Mali. Lima hanggang 10 beses na mas mataas ang polusyon sa indoor environment kumpara sa outdoor environment. Ibig sabihin mas mara-ming allergen sa kulob na lugar at pinapalala pa ang mga ito ng “domestic pollutants” na ginagamit sa araw-araw, gaya ng siga-rilyo, air freshener at gamit sa paglilinis.

6. Hindi tinatablan ng allergy ang mga matatandang tao.

Mali. Taliwas sa karaniwang paniniwala, maaari ring tamaan ng allergy ang mga matatanda, mula edad na 60.

7. Hindi banta sa kalusugan ang allergy kahit hindi gamutin.

Mali. Maaaring lumala ang isang regular na allergic rhinitis, kagaya ng sneezing, stuffy nose, runny nose, itchy o stinging eyes, at magdulot ng seryosong bronchial breathing problem. Pwedeng mauwi sa asthma.

8. Ang pag-inom ng antihistamine ang solusyon para maging normal ang buhay ng mga may allergy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tama at Mali. Epektibong panggamot ang pag-inom ng antihistamine para sa mga sintomas ng allergy, bagamat hindi ito laging sapat. Depende sa uri at lala ng allergy, kinakailangan ang allergen immunotherapy (desensitization).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending