FOR the first time ay makakatambal ni Gelli de Belen ang komedyanteng si Bayani Agbayani sa romantic comedy film na “Pansamantagal” na ipalalabas na sa March 20.
“Nag-enjoy ako sa shooting ng movie with Bayani. Walang dull moment sa set. Talagang nakakatawa siya kahit off-cam. Comic hero siya para sa akin. Kahit pagod na ang lahat after a day’s work, may energy pa rin siya to lighten up the mood. Chill lang siya during our shootings. That is why working with him was a breeze,” lahad ni Gelli.
Samantala, personal kaming inimbita ni Bayani na panoorin ang kanyang latest movie, “Ito ang pelikulang magpapakilig at magpapatawa sa inyo ng sabay. Kapag nanood kayo, sinisiguro ko na ang pansamantalang katatawanan na hatid ng tandem namin ni Gelli ay magtatagal sa inyong alaala.
Magaang katrabaho si Gelli dahil madali siyang kabatuhan ng mga linya,” say ni Bayani.
Produced by Horseshoe Studios, “Pansamantagal” is directed by Joven Tan and also stars DJ Chacha of MOR 101.9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.