Kris sa mga negatron sa socmed: Hindi ako nagpapaawa effect…
“HINDI nagpapaawa effect!” Yan ang pahayag ni Kris Aquino sa mga netizens na walang ginawa kundi ang mangnega sa mga ipinopost niya sa kanyang social media accounts.
Inunahan na ni Kris ang mga bashers na siguradong magkokomento ng kung anu-anong masasakit na salita sa ipinost niyang litrato sa Instagram kung saan makikita ang tila pasa sa kanyang katawan.
Kuwento ni Kris, natumba siya recently at medyo napuruhan ang kanyang balikat. Ito rin ang dahilan kung bakit ilang araw siyang hindi nakapag-update ng nga kaganapan sa kanyang buhay sa social media.
“I took a bad fall early Monday morning, this picture is already from Wednesday… but I had a webisode shoot for a company that stayed with me through it all,” caption niya sa kanyang Instagram post.
“So March 4, apart from the 2.5 hour delay, TINULOY ko, TINAPOS ko, and pag napanuod ninyo when we upload- you won’t know what I soldiered through… it was pure willpower to get the job done.
“I am allergic to all painkillers so it’s been essential oils & bed rest,” dugtong pa ng Social Media Queen.
At ito naman ang mensahe niya para sa lahat ng mga negatron sa socmed, “Hindi nagpapaawa effect, nag update lang for my friends & bashers kung bakit sobrang tahimik.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.