JK Labajo madaling mapikon; sinisira ang career | Bandera

JK Labajo madaling mapikon; sinisira ang career

Ambet Nabus - March 10, 2019 - 12:35 AM

JK LABAJO

SA kabilang dako, sinilip din namin ang pinag-uusapang pagmumura ni JK Labajo sa isang fan na sumigaw ng, “I love you, Darren!” habang kumakanta siya on stage with his band.

Gusto naming intindihin si JK sa kanyang naging reaksyon pero pilit bumabalik sa amin ang ilang insidente involving other artists na kahit nasa sariling show nila ay nakakatanggap ng “bashing” or “cursing” mula sa mga unruly and rough fans.

Sadyang may mga tao talagang malakas ang loob na mang-asar o kahit harap-harapan ay bastusin at kantiyawan ang mga artista. Either mga binayaran ang mga ganitong kabastos na fan o spectator o di kaya’y naghahanap lang talaga ng gulo.

Kaya naman “asar-talo” ang sinumang papatol at magpapaapekto, and in this case, talunan si JK.

Siya kasi ang celebrity at sa ginawa niyang pagsagot, nakita tuloy ng mga tao, fan man niya o hindi ang isang side ng kanyang pagkatao na normal naman kung tutuusin, na may pagkabarumbado.

Kaya tuloy pati ang kanyang pisikal na anyo ngayon ay naikukumpara sa mga tinatawag na pasaway at tila nahusgahan pa siya ng negatibo. Isang bagay na nakakasagabal sa mas bonggang pagsipa sana ng kanyang karir.

Kahit kami ay nagulat sa pagmumura at pagp-dirty finger ni JK, na noo’y nakilala namin bilang isang mapagmahal na apo at marespeto sa kapwa.

But then again, hindi namin siya masisisi. Pinaninindigan naman niya kasi ang kanyang mga aksyon kaya buntot niya, hila niya.

q q q

NAGBIGAY ng pahayag ang isang Pinoy Big Brother executive hinggil sa sari-saring reaksyon ng mga netizen kaugnay ng viral “torrid kissing scene” ng dalawang housemates sa loob ng Big Brother house.

Negatibo at inaakusahang nagpapakontrobersyal umano ang naturang show na hindi na nga nakakatanggap ng kasing-init na reception mula sa mga manonood hindi gaya ng past editions nito.

Sey ng aming kausap, “Kung gusto naming pag-usapan, mas marami pa sanang mga kagayang insidente na puwede naming inilabas sa public. Kahit noon pa man ay may mga ganyan ng pangyayari but we chose to play it down.”

Mixed naman ang reactions ng mga netizens at viewers sa halikan nina housemate Lou at Andre pero mas marami pa rin kaming naririnig na negative lalo na mula sa mga magulang na may mga anak na nanonood ng PBB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa kanila, pwede naman daw magpakakontrobersyal ang programa nang hindi nagpapakita ng kahalayan o kabastusan. Sa halip daw kasi na may matutunang values ang mga kabataang nanonood ay nagkakaroon pa sila ng malisya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending