Maine tsinugi sa Eat Bulaga dahil kay Arjo, lumipat na sa ABS-CBN: Fake news!
NARINDI na ang manager ni Maine Mendoza na si Rams David sa mga negatibong balita at tsismis tungkol sa dalaga.
Ang latest nga ay ang fake news na kumakalat na sinibak na umano si Meng sa Eat Bulaga.
Kaya naman agad na nag-post si Rams sa Facebook ng paglilinaw tungkol dito. Aniya sa kanyang post, “Kesyo suspended, tinanggal at lumipat. Wala pong totoo kahit ano dyan. #lovelivelove mga Beshie.”
Hind binanggit ni Rams ang pangalan ni Meng sa kanyang shoutout pero obvious naman na ang Phenomenal Star ang tinutukoy ng mga trolls sa social media.
Nagsimula ito nang hindi nakapasok sa Eat Bulaga si Maine last Thursday kahit nakabalik na siya from Taiwan.
Pero sa photo na ipinost ni Maine sa Twitter, makikita siyang nasa beach kasama ang cast ng Daddy’s Gurl at malamang doon kinukunan ang summer episode ng Kapuso sitcom.
Naku, sa halip na magtahi-tahi at mag-post sa social media ng kung anu-anong paninira laban kay Meng, panoorin n’yo na lang tonight ang special episode ng Daddy’s Gurl dahil ito na ang gabing pinakahihintay ng AlDub Nation dahil eeksena na si Alden Richards bilang si Aldrich, ang crushmate ni Stacy (Maine).
Teka, sino nga kaya ang pinatatamaan ni Meng sa reply niya sa tweet ni Cindy Kournikova na dating lumabas sa Kalyeserye ng Eat Bulaga?
Aniya, “Lol bakit ba ang hilig niyo mag-edit ng ‘resibo’? Damay niyo pa si Patchypie at Mam Sheila. Don’t us din ho.”
May lumabas kasing post sa social media na may isa pang account si Maine na ang user name ay Gil Quilong. Eh, sa screen grab ng account, isa sa mutual friends nila ni “Gil” ay si Celeste Tuviera na hair stylist ng Phenomenal Star.
Naku, porke absent lang sa Eat Bulaga sibak agad? Pag may kasalanan ang isa sa EB Dabarkads, suspension muna ang ginagawa ng management at kapag walang pagbabago after ng suspension, saka pa lang aaksyon ang mga bossing na tanggalin na siya sa noontime show, huh!
Tantanan n’yo na rin si Rams dahil ang concern lang naman niya ay ang ikabubuti ng career ni Maine at tulad ng kanyang sinabi, hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng dalaga dahil nasa tamang edad na ito para magdesisyon for herself.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.