Bong binato ng mineral water sa Panagbenga?
MATINDI pala ang sinapit particularly ni Bong Revilla sa nakaraang Panagbenga o Flower Festival in the country’s summer capital, Baguio City.
As reported on Facebook, marami raw ang hindi nagkagusto sa presence ni Bong in what was supposed to be a strictly apolitical tradition na dinarayo pa mandin ng mga local and foreign tourists alike.
Nagsilbi raw kasing pangangampanya ‘yon ni Bong, Imee Marcos and Lito Lapid included, gayong ipinagbawal na pala ang anumang pamumulitika sa Baguio sa nasabing okasyon.
What proved to be embarrassing ay ang paghagis pa ng mineral water bottle na buti na lang at hindi tumama kay Bong.
Earlier, naiulat din sa Facebook ang panghe-heckle kay Bong habang binabaybay nito ang motorcade sa Taytay, Rizal. Bong’s float (nga ba ang tawag du’n?) coasted along amidst the residents’ loud screams patungkol sa kasong plunder na kinaharap niya.
The Taytay and Baguio incidents only disprove Bong’s assertion na mula nang makalaya siya noong December, 2018 at nagsimulang mag-ikut-ikot sa mga probinsiya’y napakainit daw ng pagtanggap sa kanya, short of saying na ‘yung mga kababayan natin want him back.
Kunsabagay, Bong has to convince himself really hard sa kanyang panibagong laban, only to prove his critics wrong that he had never plundered a single centavo.
Sayang nga lang at isang inanimate object ang empty plastic bottle na inihagis towards his direction. Wala na kasi itong laman, therefore, it “didn’t hold water” as did Bong’s claim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.