Poe nanguna ulit; 5 kandidato ni Digong pasok sa top 12 ng SWS
NANGUNA pa rin si Sen. Grace Poe sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan limang kandidato ni Pangulong Duterte ang pumasok sa top 12 ng senatorial survey.
Nakakuha si Poe ng 68 porsyento sa survey noong Pebrero 25-28.
Pumangalawa naman si Sen. Cynthia Villar na nakakuha ng 61 porsyento.
Sumunod naman si dating Special Assistant to the President Bong Go (47 porsyento), House deputy speaker Pia Cayetano (43 porsyento), dating Sen. Lito Lapid (41 porsyento).
Pang-anim naman si Sen. Sonny Angara (40 porsyento), na sinundan ni Sen. Nancy Binay (37), dating Sen. Jinggoy Estrada (36), dating Sen. Mar Roxas (36), Sen. Bam Aquino (34), dating Sen. Bong Revilla (34), at pang-12 si dating PNP Chief Bato dela Rosa (34).
Sa mga nakapasok sa Magic 12, ang mga kandidato ni Duterte ay sina Villar, Go, Cayetano, Angara, at dela Rosa.
Pang-13 naman si Sen. Koko Pimentel (33), na sinundan nina dating presidential political adviser Francis Tolentino (32), Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (26), at dating Sen. Serge Osmena (23), Sen. JV Ejercito (21), dating Sen. Juan Ponce Enrile (18), Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu (12), Agnes Escudero (10) at Bayan Muna chairman Neri Colmenares (10).
Ang iba pang kandidato ay nakakuha ng single digit voting preference.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.