Digong kinampihan si Eleazar sa ginawa vs kotong cop | Bandera

Digong kinampihan si Eleazar sa ginawa vs kotong cop

Bella Cariaso - March 07, 2019 - 02:33 PM

KINAMPIHAN ni Pangulong Duterte ang ginawa ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar sa isang kotong cop.

“Sabihan mo kay Eleazar, okay iyon. Eh, ano ba naman ‘yung ganon-ganon? Sabihin mo, I have his back covered,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Malacanang Miyerkules ng gabi. 

Ito’ matapos namang manggigil si Eleazar  sa sinibak na pulis na si Marlo Quibete, na umano’y sangkot sa robbery at extortion. 

Makikita sa video na hinila ni Eleazar ang buhok at mukha Quibete sa harap ng  media.

 

Inaresto si Quibete, isang Eastern Police District (EPD) Drug Enforcement Unit, matapos umanong mangotong sa isang suspek sa droga.

Ipinag-utos ni Eleazar ang pagsibak sa iba pang unit ng EPD na kasama ni Quibete.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending