SA Pilipinas isang babae o bata ang nagagahasa kada-72 minuto.
Ayon sa Gabriela Women’s Party posibleng mas mataas pa ito dahil ang numero ay ang mga naiuulat lamang sa Philippine National Police. Ibinase ang ulat sa PNP-crime statistics sa unang limang buwan ng 2018.
Sinabi ni Rep. Arlene Brosas na 2,962 kaso ng rape ang naitala mula Enero hanggang Mayo 2018.
“Despite the Duterte regime’s unrelenting campaign against drugs and criminals, rape statistics in the Philippines remains troubling, with one Filipina raped every 72 minutes, and thousands more sexually harassed especially in public places,” ani Brosas.
At nakalulungkot na may mga pulis na sangkot sa panggagahasa. Mula ng maupo ang Duterte government ay 56 na pulis na umano ang nasangkot sa rape.
“Duterte’s macho-fascist remarks and consistent use of rape jokes, to the point of even exhorting soldiers to commit the crime, do not make this situation any better.”
Isinusulong ng Gabriela na palawigin ang Anti-Rape Law upang mas matulungan ang mga biktima.
Bukas (Biyernes) ay magsasagawa ang rally ang Gabriela upang hilingin kay Duterte na pirmahan na ang pag-amyenda sa Anti-Sexual Harassment Law Amendments upang mas mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.