Phillip utu-uto raw sa kampanya ni Bong Go; gustong gayahin ang comic duo na Porkchop
WHAT was supposed to be a campaign sortie turned out be a cheerless, lackluster poor version of a stage show.
May video ang pangangampanya ni dating SAP Bong Go sa Davao noong Feb. 14, where he shared the stage with Phillip Salvador.
‘Yun ‘yong skit kung saan may reference kay Kris Aquino na “niloko” ni Phillip in the words of Bong Go na inakala nitong nakakatawa.
Kris took offense at the joke, agad din namang nag-sorry ang former SAP.
Oo nga naman, what has Kris got to do with Go? Bakit kailangan pa nitong kasangkapanin ang isang relasyong bahagi na ng kasaysayan?
At ano naman ang pakialam ni Go sa lovelife ni Kuya Ipe? Isn’t the latter’s task simply to accompany Go wherever he goes? Kulang na nga lang ay anino ni Go ang aktor, and it’s not flattering.
Buti pa ang comic duo na Porkchop, kumakanta na’y nagkokomedi pa. But Bong-Ipe’s tandem is neither musical nor comedic.
Sa isang bahagi ng video na ‘yon ay bumanat si Go kay Kuya Ipe, “Sumipol ka nga!” kung totoong hindi nga nito niloko si Kris.
Hindi namin mahanapan ng konek ang pagsipol unless Kuya Ipe would blow the whistle, as in “ikakanta” nito ang kanyang mga nalalaman sa ngalan ng katotohanan.
“Sipol lang pala, eh!” ang mapagpatol namang sagot ni Kuya Ipe.
Pero parang kumain ito ng polvoron that he couldn’t whistle. Sa halip ay hinipan lang nito ang mikropono nang malakas.
Halatang TH na makuha ni Go ang atensiyon ng audience. “Sige, kumanta ka na lang,” sey nito kay Kuya Ipe who in turn turned to the audience, “Gusto n’yo ba ‘kong kumanta?”
Isa lang pala ‘yon sa so far ay dalawang videong natisod naming sa Facebook. The second one ay ’yun din ang itinatakbo ng skit.
We wonder kung merong writer sa likod ng tsipanggang skit na ‘yon, or the tandem could be the writers themselves who must have rehearsed their script on their way to the campaign venue.
Isang nagpipilit magpakomedyante at isang mahusay na aktor na gustong magpaunlak ng kanta.
‘Yan ang tandem nila, na mukhang sa buong campaign trail until the very last day ni Go ay ‘yun na ang standard spiels nila.
Kampanya ‘yon supposedly. What the audience eagerly wanted to hear ay ang mga plataporma ni Go, kung ano ang kanyang silbi kung sakaling maluklok sa puwesto.
Huwag naman niyang insultuhin ang sensibilities ng tao. Baka nga ang ipinunta roon ng tao’y si Phillip Salvador, at hindi naman siya.
Knowing his lack of charisma, Go would have gained audience attention kung sana’y inisa-isa niya ang kanyang mga isasabatas, hindi ang gawing biro si Kris o ginawang panloloko ni Kuya Ipe sa dating karelasyon.
Despite having felt slighted, confident pa rin si Kris that Go would make it.
Opinyon ‘yon ni Kris, but the rest of the world doesn’t share her thoughts.
Go for Senator? Naloko na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.