Jo Berry excited nang makita ang baby ni Rochelle: Kinakausap ko siya lagi | Bandera

Jo Berry excited nang makita ang baby ni Rochelle: Kinakausap ko siya lagi

Bandera |March 07,2019
facebook
share this

Jo Berry excited nang makita ang baby ni Rochelle: Kinakausap ko siya lagi

Bandera - March 07, 2019 - 12:10 AM

JO BERRY

Kung may isang artista na hinahangaan ng Onanay lead star na si Jo Berry na sobrang naging malapit sa kanya, yan ay walang iba kundi ang first time mommy na si Rochelle Pangilinan.

Si Rochelle ang gumaganap na BFF ni Jo sa kuwento ng Onanay at naging makatotohanan nga ito hanggang sa tunay na buhay. Parang tunay na ate na raw talaga ang turing niya sa dating Sexbomb Dancer.

Kaya naman excited na si Jo na makita nang personal ang anak nina Rochelle at Arthur Solinap na si Baby Shiloh Jayne.

Naaalala pa ni Jo noong ipinagbubuntis pa ni Rochelle si Baby Shiloh, nagsisimula pa lang daw noon ang Onanay kaya literal daw na nasubaybayan nila ang paglaki ng sanggol sa tiyan ng Kapuso actress-dancer.

“Ang favorite ko pong gawin is tingnan ang tiyan niya habang gumagalaw. Lagi kong kinakausap si baby.

Inaasar ako ni Ate Rochelle na ‘Naiirita na siya sa ‘yo kaya galaw siya nang galaw! Naiingayan siya sa ‘yo,'” ang kuwento ni Jo sa panayam ng GMA.

Naniniwala ang bulinggit na aktres na magiging mabuti at responsableng mommy si Rochelle dahil nakilala na rin niya kahit paano ang pagkatao ng kanyang kaibigan.

“Siya rin po kasi ang isa sa pinaka-close ko talaga sa lahat ng kasama ko sa Onanay, kasi ate siya sa akin.

Best friends sila ni Onay, tapos kapag offcam, ate ko po siya.

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng Onanay, mas marami pang pasabog ang naghihintay sa mga manonood at kailangan ding abangan kung may happy ending pang naghihintay para sa loves story nina Onay at Lucas (Wendell Ramos).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At tuluyan na nga bang makakamit ni Onay ang katarungan sa ginawang panggagahasa sa kanya noon na ang naging bunga ay si Maila (Mikee Quintos)? Napapanood pa rin ang Onanay sa GMA Telebabad after Kara Mia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending