Gerald na-shock sa bikini photo ni Bea: Pero ang mahalaga yung message n'ya... | Bandera

Gerald na-shock sa bikini photo ni Bea: Pero ang mahalaga yung message n’ya…

- March 05, 2019 - 12:05 AM


NA-SHOCK si Gerald Anderson sa bikini photo sa Instaram ng kanyang girlfriend na si Bea Alonzo.

“Nakita n’yo nakakagulat. Pati ako nagulat eh! But I think yung message niya du’n sa pinost niya is just yung huwag tayong mahiya, huwag tayo ma-pressure or huwag tayo magpadala sa sasabihin ng ibang tao,” ang pahayag ng Kapamilya hunk actor sa panayam ng ABS-CBN.

Ayon sa binata, talagang pinaghirapan ni Bea ang seksi nitong katawan, sa katunayan halos araw-araw na rin itong nagwo-workout.

“Yeah almost everyday na rin siya. Meron silang all girls group kasi meron kaming ganung workout for mga girls. Siyempre iba-iba yung goals ng bawat tao so yeah, sobrang supportive siya. Sobra. Dito na yung naging bonding namin actually, sa totoo lang.

“And it’s good kasi it’s a win-win situation, yung nagsasama kami, may mga nakikilala kami na ibang tao at naging healthy kami at the same time,” aniya pa sa nasabing interview.

Natanong din si Gerald kung may plano na silang magpakasal ni Bea, “Siyempre sini-set up ko yung buhay ko ngayon kasi alam namin, natin, na I’m turning 30 next week so hindi ako masyado malayo sa goal ko din na magpakasal but marami pa akong kailangan ma-reach muna na mga personal goals ko para kapag dumating yung time na magpakasal ako, tapos na yun at makapag-focus ako sa family time at baby time and sa asawa ko.”

Hindi rin napilit ang aktor na sagutin kung ano ang ideal marrying age para sa kanya, “Ayoko i-jinx, eh. Ha-hahaha! Ayoko sabihin baka bukas mangyari na, pero tingnan natin.”

Saludo rin siya sa kanyang girlfriend dahil sa pagiging ” strong and independent woman” nito, “She is a superwoman in her own way and para sa maraming tao kasi yung drive para ma-reach rin yung goals niya, yung paninindigan niya and yung pagiging strong woman niya, and yung strong image for women, na kung may pangarap ka, basta work hard, mararating mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending