Confirmed: Daniel may solo movie kasama si Charo Santos, bibida rin sa bagong sitcom | Bandera

Confirmed: Daniel may solo movie kasama si Charo Santos, bibida rin sa bagong sitcom

Dominic Rea - March 03, 2019 - 04:33 PM

DANIEL PADILLA

TULOY na tuloy na ang pelikula ni Daniel Padilla kung saan makakasama niya for the first time ang award-winning actress at dating presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos.

Hindi makakasama ni DJ sa proyektong ito ang girlfriend niyang si Kathryn Bernardo. Kumbaga, kanya-kanya muna sila ng ganap ngayon pagdating sa career.

But of course, tulad ng sinabi nina DJ at Kath, this is for their growth na rin as an individual artists. Hindi naman porke may solo movie si Daniel ay maeetsapwera na ang KathNiel. Nauna na ngang magsolo si Kathryn last year via the family drama movie na “Three Words To Forever” with Sharon Cuneta and Richard Gomez.

Kararating lang din ni Daniel from Japan kung saan isinama niya doon ang kapatid na si Jose Carlito Padilla with Naldy Padilla and Marco Salvador para sa isang bakasyon.
Oo nga pala, inilaan talaga ni Daniel ang buong buwan ng February para sa pamamasyal kaya talagang puro out of town and out of the country vacation ang ginawa niya.

“Wala namang bago pa as of now. Pero starting March, back to work na si DJ. Marami siyang gagawin. Magiging busy ulit siya after ng isang buwang pahinga Dom. Then solo movie na! Maraming blessings Dom. Kaya magpasalamat tayo palagi,” lahad sa akin ni Queen Mother Karla Estrada.

Kamakailan lang ay nagsalita na si Daniel tungkol sa tsismis na nag-break na sila ni Kath. Sana raw ay tigilan na ang pagpapakalat ng mga balitang walang katotohanan.

“Puwede bang tigilan n’yo na ‘tong kagaguhan na ‘tong hiwalay na kami. Okey na yun. Mukha bang hiwalay kami? Ayos kami. Wala naman talagang ganoon. Tayo lang nagpapalaki ng nga bagay-bagay,” ang pahayag ni Daniel sa interview sa kanya nang dumalo sa premiere night ng pelikulang “Familia Blondina” bilang suporta sa kanyang ina.

Samantala, nag-post naman ang make-up artist ni DJ sa Instagram about KathNiel’s latest collaboration.

“Ola! God speed everyone! Print shoot today with KathNiel,” ang caption nito sa photo ng magdyowa.

Good news din para sa mga fans ni DJ dahil lahat ng endorsements niya ay nag-renew lahat at kumpirmado na rin ang gagawin niyang sitcom sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending