Zero-accident, kampanya ng DOLE | Bandera

Zero-accident, kampanya ng DOLE

Liza Soriano - March 02, 2019 - 12:10 AM

PINALAKAS ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kampanya nito kaugnay sa zero-accident sa mga pagawaan at hinimok ang mga kumpanya na makiisa sa gobyerno upang palakasin ang social accountability.

Sa paglulunsad ng nationwide search for occupational safety and health (OSH) champions, ang pagnanais ng DOLE na paigtingin ang mga programa at adbokasiya nito para sa OSH.

Ang search for OSH champions, Gawad Kaligtasan at Kalusugan (GKK), ay nasa ika-11 taon na.

Patuloy nating iniaangat ang kampanya para sa zero accident hindi lamang para sa kaligtasan sa trabaho, kung hindi pati na ang pagpapalaganap ng social accountability

Ang biennial search na ikinasa ng Occupational Safety and Health Center (OSHC), ay nagbibigay parangal sa mga establisimento at indibidwal sa buong bansa para sa kanilang natatanging OSH practice, program, innovation, at mga kontribusyon.

Layunin nitong mahikayat ang mga institusyon na magpatupad ng mga programa na may kaugnayan sa kaligtasan, kalusugan, at para sa kalikasan upang makamit ang productivity at zero-accident sa mga pagawaan.

Bukas ang aplikasyon sa mga pribadong kumpanya na sumusunod sa General Labor and Occupational Safety and Health Standards batay sa resulta ng mga inspeksyon ng DOLE.

Ang ibang mga orga-nisasyon ay maaari ring maging nominado tulad ng mga opisina ng gobyerno, micro-enterprises, informal sector, at DOLE-accredited OSH professional, tulad ng mga practitioner at consultant.

Ang apat na kategorya para sa Search ay kinabibilangan ng Private Sector-Industry, Public Sector-LGU Government Offices, Microenterprise/Informal Sector, at mga indibidwal.

Ang ibang mga nakatanggap ng GKK award na nabigyan rin ng pagkilala sa ibang bansa partikular sa ASEAN Occupational Safety and Health Network Awards ay ang Sunpower Philippines Manufacturing Ltd, na nagwagi para sa ika-9 at ika-10 na GKK sa ilalim ng Industry Category, at ang Bagnos Multi-Purpose Cooperative, na nagwagi sa ika-10 GKK sa ilalim ng Micro-Enterprise/Informal Sector Category.

Ang GKK ay nabibilang sa programa ng OSHC na Vision 1 Million Program na naglalayong linangin ang mga OSH Champion at advocate upang maia-ngat ang pagiging epektibo ng mga polisiya at programa ng OSH at mapalakas ang kultura ng kaligtasan at kalusugan sa Pilipinas.

Labor Undersecretary Ana Dione
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 527344

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending