Kapuso actress Joyce Ching ikakasal na | Bandera

Kapuso actress Joyce Ching ikakasal na

Ervin Santiago |March 01,2019
facebook
share this

Kapuso actress Joyce Ching ikakasal na

Ervin Santiago - March 01, 2019 - 03:25 PM

Joyce Pring kasama ang fiancé Kevin


IKAKASAL na ang Kapuso young actress na si Joyce Ching sa kanyang non-showbiz boyfriend.

“We’re getting married!” ‘Yan ang ibinandera ng fiancé ni Joyce na si Kevin Alimon, isang video director, sa kanyang Facebook account. Makikita rin sa kanyang FB status ang wacky photo nila ni Joyce.

Makikita sa nasabing litrato na suot ng Kapuso actress ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Kevin.

View this post on Instagram

So, this happened three days ago 💍💕

A post shared by Joyce Ching (@chingjoyce) on Feb 28, 2019 at 5:25am PST

Ipinost din ni Kevin sa Instagram ang picture nila ni Joyce at may caption na, “I love you, fiancée!”

Sa kanyang Instagram account naman, nag-post din si Joyce ng photo nila ni Kevin pero blurred ang kanilang mga mukha dahil ang naka-focus ay ang magkahawak nilang kamay, kung saan kitang-kita ang engagement ring.

Maikling caption ni Joyce sa kanilang IG photo, “So, this happened three days ago (ring and hearts emojis).”

Sunud-sunod naman ang pagbati kay Joyce ng mga kapwa niya Kapuso stars, kabilang na sina Marian Rivera, Janine Gutierrez, Gabbi Garcia, Bea Binene, Barbie Forteza, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Thea Tolentino, Martin del Rosario, Sheena Halili, Derrick Monasterio at Lauren Young.

Nagsimula ang relasyon ng dalawang noong huling bahagi ng 2017 matapos silang magkakilala sa Youth Service for Church.

View this post on Instagram

Happy birthday, poop! 🎈

A post shared by Kevin Russell (@kevinalimon) on Jan 5, 2019 at 5:50am PST

“Nu’ng una, akala ko mas masaya (na non-showbiz) pero parang parehas lang. Yung advantage lang kapag non-showbiz ang partner mo, may iba kayong napag-uusapan, parang hindi lang kayo sa close sa showbiz or work.

“Magkaiba ng kayo world, so marami napag-uusapan at marami kayong natutunan sa isa’t isa,” ang pahayag ni Joyce na kasama sa cast ng bagong afternoon series ng GMA na Dragon Lady. Siya ang magpapahirap sa buhay ni Janine Gutierrez.

Kuwento pa ng dalaga tungkol sa relasyon nila ni Kevin, “Yung advantage kapag showbiz, hindi ka kailangan mag-explain kasi alam niya yung mundo ng showbiz.

“Kapag non-showbiz, kailangan mong ipaintindi yung ibang bagay,” aniya pa.

View this post on Instagram

I like this photo. ☺️

A post shared by Joyce Ching (@chingjoyce) on Dec 12, 2018 at 4:55am PST

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol naman sa kanyang career sa showbiz, “Supportive naman po siya sinasabi niya lang na basta make sure na safe ka or hindi lalagpas sa boundaries ko kung okay pa rin ako hindi ako na-eexploit, okay naman siya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending