Kiray kinilig sa ex-dyowa ni Catriona: Grabe! Parang hindi talaga siya tao!
“PARANG hindi siya tao!” Ang bulalas ng komedyanang si Kiray Celis about Catriona Gray’s ex-boyfriend Clint Bondad.
Magkasama ang dalawa sa upcoming series ng GMA na Love You Two na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.
Napakatotoo naman si Kiray sa pagsasabing kinikilig siya kapag nakikita niya ang Kapuso hottie, “Yes ang pogi ni Clint grabe! Parang hindi siya tao, kapag nasa tent kami parang ayoko nang mag-lunch.”
Sa interview ng GMA sa komedyana, natanong siya kung may napansin ba siyang pagbabago kay Clint bago pa kumalat ang balitang hiwalay na sila ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.
“Okay naman, hindi niya dinadala sa work ang love life. Hindi niya dinadala sa work kung ano man ‘yung nararamdaman niya,” pahayag ng dalaga.
Dugtong pa niya, “Kasi if you’re an actor hindi mo talaga puwede dalhin ‘yung problema mo ‘pag nasa trabaho ka. Na kahit ano man sigurong trabaho mo hindi naman puwede dalhin ‘yung problema mo ‘di ba.
Kailangan mo dalhin ‘yun ng maayos, kasi problema mo ‘yun, hindi ‘yun problema ng mga kasama mo.”
Narito naman ang advice ni Kiray kay Clint para mabilis na makapag-move on, “Feeling ko naman mahal nila ‘yung isa’t isa, kailangan talaga sa career kailangan lang sa oras. Kailangan lang sa panahon, pero sabi nga nila ‘pag sa iyo, sa iyo talaga. Hindi mo kailangan pilitin ang mga bagay-bagay kapag hindi para sa iyo.”
Samantala, wala raw pagsisisi si Kiray na lumipat siya ng GMA 7 dahil sunud-sunod ang proyektong ibinibigay sa kanya ng network. Katatapos lang ng appearance niya sa Daig Kayo Ng Lola Ko (Amazing Adventure of Super Ging and Harvey) kung saan gumanap siya bilang Fairy Gosh Monkey.
At bukod sa Love You Two, kasama rin siya sa launching movie ni Super Tekla under GMA Films, “Kaya sobrang sulit (ang paglipat), as in super sulit! I want to say here forever.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.