Carlo binansagang 'paasa king': Sige, tatanggapin ko na lang po | Bandera

Carlo binansagang ‘paasa king’: Sige, tatanggapin ko na lang po

Ervin Santiago - February 28, 2019 - 12:05 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT CARLO AQUINO

SINAGOT ni Carlo Aquino ang akusasyon ng ilang fans na pinaasa at niloko lang sila ni Angelica Panganiban. Pinaniwala raw kasi sila na muli silang nagkabalikan pero ang ending, nganga naman pala.

Ayon sa Kapamilya actor, “lack of communication” ang dahilan kung bakit hindi nauwi sa balikan ang special friendship nila ni Angelica. Pero ipinagdiinan niya na okay pa rin sila ng kanyang ex-dyowa.

“As long as okay naman kami ni Angge, speaking terms naman kami, okay na ako doon. Kung anuman ang sinasabi ng mga tao, I don’t feel the need to explain anything,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.

Dugtong pa niya, “Basta ‘yung mga taong nagmamahal sa akin, ‘yung kilala ako, iyon lang ang importante. Naiintindihan nila ako.”

In fairness, mula nang mag-hit ang pelikula nila ni Angelica na “Exes Baggage” ay nagtuluy-tuloy na ang pagdating ng magagandang projects sa kanya, kabilang na ang latest offering ng Viva Films na “Ulan” kung saan first time silang magtatambal ni Nadine Lustre.

Tungkol naman sa diumano’y panloloko niya Angelica dahil nga pinaasa lang daw niya ang dalaga ‘yun pala’y may iba pala siyang babaeng pinopormahan base na rin sa lumabas na mga litrato sa social media, “Anong gagawin natin? Opinyon nila ‘yon, e ‘di tatanggapin ko na lang kung ano ‘yung mga sinasabi nila sa akin.”

Kasabay nito, diretsong inamin ni Carlo na totoo ang naglabasang photo kung saan may kasama siyang non-showbiz girl pero tumanggi na siyang magdetalye.

At sa tanong kung ano ang feeling kapag inaakusahan sila ni Angelica na “paasa” sa mga fans, “Hindi maiiwasan talaga kasi on and offscreen, maganda kami tingnan, e. Ang nagkulang lang siguro ‘yung pag-uusap.”

Samantala, kakaiba naman ang role ni Carlo sa pelikulang “Ulan” na idinirek ni Irene Villamor.

Puring-puri siya ng direktor sa ipinakita niyang akting sa movie, “He makes my job so much easier because I don’t explain a lot when I talk to him. There’s a click that happens and there he is, right there being Peter.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung ano ang magiging papel ni Carlo sa buhay ng karakter ni Nadine sa movie, ‘yan ang siguradong ikagugulat ng manonood. Showing na ang “Ulan” sa March 13 nationwide. Kasama rin dito sina Marco Gumabao, AJ Muhlach, Ella Ilano at Perla Bautista. May special participation din dito ang ilang tikbalang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending