Yul Servo game pa rin sa bad boy role kahit kongresista na | Bandera

Yul Servo game pa rin sa bad boy role kahit kongresista na

Jun Nardo - February 27, 2019 - 12:35 AM


NAISISINGIT pa rin ni Congressman Yul Servo ang paggawa ng projects sa showbiz kahit na nga abala sa maraming proyekto sa 3rd district ng Maynila.

Walang problema sa constituents niya kung bad boy ang mga ginagampanan niyang character sa mga guesting niya sa teleserye at mga drama anthology.

“Sa distrito ko, okey na okey. Meron namang iba na nagagalit sa character ko.

“Kasi nakikita nila ako sa TV tapos, nakikita nila ako sa barangay nila. Kasi kung perfect attendance ako sa Congress, sa distrito ko po, perfect attendance din ako,” pahayag ni Cong. Yul sa thanksgiving at belated birthday celebration niya kasama ang entertainment press.

Nasanay na rin siyang magsalita nang matagal na nagsimula nu’ng konsehal pa siya.

“Madaldal na! Nakakatuwa pero sa pag-aartista, okay sa kanila kahit ano ang role ko. Wala sa kanila kung masama ang character, alam naman nila na trabaho ko lang yun,” rason ng kongresista.

Sa latest projects niya ngayon, naka-focus siya sa Barangay Infrastructure Program para sa paggawa ng barangay multi-purpose halls, day care centers at basketball court facilities.

Sa eleksyon sa Mayo, kasangga ni Cong. Yul ang kapatid niyang si Apple Nieto na tatakbo bilang konsehal. Dati niyang chief of staff ang kapatid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending