‘Kagat-labi acting’ ni Sam sa ‘Halik’ panira ng eksena
MUKHANG nakarating kay Sam Milby ang madalas mapansin ng mga manonood sa acting na ipinakikita niya sa seryeng Halik. Kumikiwal-kiwal kasi ang kanyang bibig, palaging napapakagat ng kanyang labi, hindi nga naman maganda ‘yun.
Sa mga huling episode ng serye ay mukhang alam na ni Sam ang kanyang gagawin, iniiwasan na niya ang pagalaw-galaw ng labi, mas maganda na siyang panoorin.
Dapat lang namang malaman ‘yun ni Sam para kapag magkaeksena sila ng bumibidang si Jericho Rosales ay nakakasabay siya, hindi siya napag-iiwanan, dahil para lang kumakain ng kornik si Echo kahit sa madadramang tagpo.
Sobrang pinasama na ang karakter ni Sam sa Halik, kasumpa-sumpa na ang mga pinaggagawa niya kay Yen Santos pati kay Yam Concepcion, pero may komento ang kaibigan naming propesor sa ginagampanang papel ng guwapong singer-actor.
Sabi ni prop, “Napakaganda ng mga mata ni Sam Milby, kung ganu’n naman ang mangangawawa sa iyo, e, okey na rin! Honestly, napakaguwapo niya, ibang-iba ang charisma niya.
“Sa mga eksena nga nila ni Yen, e, mas maganda pa siya!” komento ng sutil naming kaibigang
propesor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.