PARANG panaginip lang daw para sa TNT Boys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Keifer Sanchez ang naging experience nila sa sikat na US talent show na The World’s Best at sa guesting nila sa The Late Show With James Corden kung saan naka-duet pa nila ang kanilang idol na si Ariana Grande.
Ayon sa tatlong bagets nang mag-guest sila sa Magandang Buhay hindi nila in-expect na bibigyan sila ng ovation ng tatlong judges ng TWB na sina Drew Barrymore, RuPaul at Faith Hill pati na rin ng 50 world experts kung saan bahagi ang Concert Queen na si Pops Fernandez.
“Listen” ni Beyonce ang kinanta ng TNT Boys, “Unexpected po ‘yung standing ovation nila. ‘Yun na po ang ibinigay naming best na kanta. Akala namin ay papalakpak lang sila pero magi-standing ovation po sila. Sobrang saya po namin,” kuwento ni Keifer.
“At saka hindi po namin inaakala na ‘yung sobrang sikat na Hollywood stars ay kayang mag-standing ovation sa amin,” sey naman ani Francis.
Singit naman ni Mackie, “Akala rin namin na normal na po sa kanila ‘yung ganung performance. Pero kami pa lang po pala ‘yung mga batang nagkaroon ng ganung version ng Listen.'”
After ng guesting nila sa The World’s Best, gumawa uli ng history ang TNT Boys bilang kauna-unahang mga batang Pinoy na lumabas sa The Late Show With James Corden kung saan sinorpresa pa sila ng kanilang idol na si Ariana Grande na lumuhod pa sa harap nila bilang pagpupugay.
“Ako po lumabas ang puso ko. Feeling ko talaga nananaginip ako,” sey ni Francis sa pagkikita nila ni Ariana.
“Inaano (pinipigilan) ko po ang luha ko baka hindi ako makabirit,” pahayag naman ni Keifer.
“Yung papunta pong commercial, sabi niya, ‘I like your hair and your voice is so healthy.’ Sabi niya, ‘I’m so obsessed with you guys, you are so amazing,'” ani Keifer.
Dagdag ni Mackie, “Honored po kami na ‘yung Queen Ariana Grande ang lumuhod sa amin at nag-bow sa amin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.