Angel ayaw patulan ang kanegahan sa socmed; dedma sa 'walkout' issue | Bandera

Angel ayaw patulan ang kanegahan sa socmed; dedma sa ‘walkout’ issue

- February 26, 2019 - 12:01 AM


SA kabila ng matinding pamba-bash at pambabastos sa kanya ng ilang netizens, walang balak si Angel Locsin na patulan ang mga ito.

Kung anu-ano kasing mga negatibong komento ang naglalabasan sa social media matapos mapabalita ang diumano’y pagwo-walkout ni Angel sa taping ng The General’s Daughter. Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita ang aktres tungkol sa isyu kaya patuloy ang pagkokomento ng mga bashers laban sa kanya.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng mensahe si Angel na may kinalaman sa pangnenega sa kanya sa social media. Aniya, “A long time ago I learned not to explain things to people who are committed to misunderstanding me.” Nilagyan pa niya ito ng isang smile emoji na tila sinasabing wala siyang pakialam sa mga kanegahan sinasabi laban sa kanya.

Nag-react sa post ni Angel ang kanyang boyfriend na si Neil Arce ngunit tanging fisted hand sign at kisses emojis lang ang inilagay nito sa comment section. Pinusuan din ito ng kanyang mga kaibigan sa showbiz tulad nina Marvin Agustin, Dimples Romana at Vina Morales.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending