Fans kumontra sa guesting ni Alden sa Daddy’s Girl: Wala na kayong respeto kay Maine!
DIRECTOR Chris Martinez posted his convo with his sitcom writer.
“Direk, baka may bilin, Titirahin ko na…thanks.”
“Meron. Usap tayo mamaya. Tawagan kita. Busy lang.”
‘Yan ang usapan na ipinost ni direk Chris with this caption: “Enough of all the speculations na ayaw ni ganito, ayaw ni ganyan. Walang ganun. Okay? I am just so thankful. It’s happening sooner than you think. (Screencap is my convo with our super writer Robin Sison).”
Ang tinutukoy ni direk ay ang guesting ni Alden Something sa sitcom na pinagbibidahan nina Maine Mendoza at Vic Sotto.
Nasulat na namin more than a month back na tawang-tawa kami sa chikang busy si Alden kaya hindi pa niyang makuhang mag-guest sa sitcom ni Maine. Paano siya naging busy, eh, wala naman siyang re-gular show at tanging ang noontime show ang kanyang pinagkakaabalahan matapos matsugi ang kanyang non-rating show ng Victor Magtanggol.
With that, nabaliw ang fans ni Maine. Hindi nila feel na mag-guest si Alden sa show ng idol nila.
“Kelangan ibangon ang laos. Kelangan gamitin na naman ang nilait lait niyang ex loveteam ang kapal.”
“Sorry na lang if that boy appears in DG, sorry na lang earthhour muna, i’m not parti-cipating in hashtag.”
“Naku, mas lalong kinunsinte nyo ang mga delusional fans. Dapat hindi na lang pinag-guest yang si Alden. Fake ang chemistry!”
“Aldub is soo years ago. Guest Arjo Atayde instead at mas tututukan yan ng tao.”
“Me three. Rest muna ako. I love Maine but this time kung si Boi ang guest sa DG won’t join the dot dot party. Pass ako. We know already the reason behind that guesting. Wala na silang respeto kay Maine.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.