Bong, Imee mala-Kara Mia ang kampanya; kanya-kanyang drama | Bandera

Bong, Imee mala-Kara Mia ang kampanya; kanya-kanyang drama

Ronnie Carrasco III - February 25, 2019 - 12:35 AM


MAY kakaibang bersiyon ng Kara Mia ang magkahiwalay na pangangampanya nina Imee Marcos at Bong Revilla now circulating in social media.

Kung ang mga karakter na ginagampanan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa primetime teleserye ng GMA are in one body, Imee and Bong found themselves in an embarrassing situation.

Ipinapakita sa isang video ang pagsadya ni Imee sa isang tindahan, walking way past women sales personnel assigned at the counter attending to their customers. Pabebeng lumakad si Imee sa mga ito sa kanyang makaagaw-pansing bangs at akmang makikipagkamay.

Pero dedma lang ang mga nadaanan niya as though they had seen no one pass by. Todo-ngiti pa rin ang hitad, but for sure she was cursing the people at the store.

Nang mapadako na si Imee sa isang nakaunipormeng babae na mukhang pharmacist, sa halip na iabot nito ang kanyang kamay sa papasahod nang kamay ni Imee ay itiniklop niya ito. Hindi man ito nagsalita, ngiting-aso ang isinukli nito kay Imee short of telling her: “Tumigil ka sa drama mo!”

Halatang pahiya si Imee, na laman this time ng social media with her deadma stance toward her political rivals na may pasaring tungkol sa mga magnanakaw.

Previously, nasupalpal na si Imee sa fake news she had manufactured herself tungkol sa pagtatapos niya sa Princeton University (na hindi naman!) at paggradweyt niya sa UP with honors (na hindi rin totoo!).

q q q

Dumako naman tayo sa motorcade ni Bong Revilla sa Taytay, Rizal na nakunan din ng video.

Ang eksena, naghahagis ng mga binilot na t-shirts si Bong habang binabaybay ang isang kalye roon. Dinig sa background ang isinisigaw ng mga tao (unless nilapatan ‘yon ng audio na wala naman at the time of the motorcade).

Nagsasalimbayan ang mga “Pork barrel!” at “Three hundred (pesos)!” Bigla tuloy kaming napaisip kung anong kaugnayan meron sa malakas na sigaw ng 3-0-0 (given na kasi ‘yung pork barrel). Ah, baka ang halagang ‘yon ang laman ng sobreng ipinamudmod diumano ng kanyang campaign staff in a separate photo what has also gone viral in social media.

Kung totoong dinoktor ang audio sa video na ‘yon, unfair naman ‘yon kay Bong. Kung hindi naman, such heckling could happen, ke sa Taytay pa ‘yon, Tagaytay o sa kung saan man dumayo ng tagay si tatay.

Confronted with these embarrassing situations—sa nangyari separately kina Bong at Imee—probably the best thing to do is to keep one’s cool. Ngumiti at isantabi muna ang pagka-bad trip until the campaign trail is over.

Pero dapat nilang tandaan that such public reactions, positive or otherwise, are strong indicators.

q q q

Para sa amin, iba kapag may kakambal nang stigma ang madawit sa bintang, much less sa salang pangungulimbat lalo’t ang pinag-uusapan dito’y ang pera ng taumbayan na walang kapagud-pagod na ninakaw sa kanila ng maraming gahamang pulitiko.

Time and again, sa munting paraan namin sa pamamagitan ng showbiz column na ito, isinasatinig namin ang panawagang maging matalino sa pagpili ng mga bagong lider ng bansa.

This piece is not just about artistas. Ito ay responsableng pagmamatyag ng bawat isa sa atin sa mga tulad ni Imee at iba pang mga kumakandidato na magaling lang manligaw ng mga botante only to serve their personal interests.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

And I…thank you!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending