'Ano bang karisma meron ang Probinsyano ni Coco?' | Bandera

‘Ano bang karisma meron ang Probinsyano ni Coco?’

Cristy Fermin |February 24,2019
facebook
share this

‘Ano bang karisma meron ang Probinsyano ni Coco?’

Cristy Fermin - February 24, 2019 - 12:20 AM

COCO MARTIN

Suicide talaga ang inaabot ng kahit anong programang tumatapat sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Walang ibang pupuntahan ‘yun kundi ang kangkungan. Napakatindi talaga ng kapit ni Coco Martin sa sinapupununan ng manonood.

Ilan na ba silang nagtangka? Ang pangarap nila ay ang mapataob ang serye, pero ano ang kinahihinatnan ng kanilang kapalaran, ang pagsasarado nang wala sa panahon.

Lalo na ngayon na nalilipol na ng grupo ni Coco, ang pinamumunuan niyang Vendetta, ang mga naghahasik ng lagim at kasamaan sa lipunan. Grabe ang mga eksena.

Kung nadyidyinggel ka ay tiis-tiis lang muna, huwag kang lalayo sa telebisyon, dahil baka may mapalampas kang mga eksena.

Ibang klase ang atake ng Ang Probinsyano, talagang ibinibigay nila ang gustong makita ng manonood, saku-sakong bala talaga ang inuubos nila, nakapanghihinayang ang bawat pagtatapos ng palabas, gusto mo pang may kasunod pero wala na pala.

Kaya nakakatakot talagang tapatan ang grupo ni Coco Martin, kahit ano’ng gawin ng mga kumakalaban sa kanila ay tihaya pa rin sa rating, milya-milya na ang layo nila sa mga tumatapat-sumasabay
sa kanilang mga bakbakan.

Umaalimpuyo na ang labanan ngayon, marami nang nagkakamatayan, maraming masasamang damo na ang nililipol ng Vendetta.

Kung anong karisma meron ang palabas na ito ay walang sasapat na paliwanag. Basta gustung-gusto sila ng publiko, ‘yun lang, tapos!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending