Horoscope July 16, 2013 | Bandera

Horoscope July 16, 2013

Madam Sophia - July 16, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kakaibang lakas ng loob ang mapapasaiyo kung makikisama sa mga may may birth date na 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18, at 27. Sa pakikisalamuha sa kanila kusang mapapasaiyo ang  suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad ang 1, 8, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om.” Black at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Matutong maghintay! Hindi dapat madaliin ang pagyaman. Sa painot-inot na pagsisinop  uunlad din ang kabuhayan. Sa pag-ibig, hintaying kalabitin ka ng iyong minamahal, iwasang ikaw na lang lagi ang nangangalabit. Mapalad ang 3, 17, 27, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Pink at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Susubukin sa araw na ito ang iyong pagkatao! Magpakatatag kahit na maraming bayaring kinakaharap. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyo, parang may kulang – naghihintay na naman siya ng pera n iaabot mo.  Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Verchiel-Hamaliel-Om.” Red at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Unahin ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan kahit na gaano ka-hectic ang iskedyul. Sa pag-ibig, mag-text sa kasuyo, umaga, tanghali at gabi, at sabihin sa kanya: “I love you, I miss you.” Mahiwaga mong mantra: “Orobas-Orabias-Sol-Om.” Gray at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— ‘Wag pahirapan ang sarili! Sa pananalapi, maging prangka sa mga ka-transaksyon. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang tunay mong nadarama, upang hindi na siya manghula kung bakit tinotopak ka.  Mapalad ang 2, 19, 26, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Lilac at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Pagbutihin ang pakikitungo sa nakakataas! Wag komontra ng komontra. Kapag umoo ka lang ng umoo sa kanila may malaking salaping matatanggap. Sa pag-ibig, okey lang na ang kasuyo ang magtrabaho upang hindi ka masyadong mapagod. Mapalad ang 4, 16, 22, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Advachiel-Hanael-Cambriel.” Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Sa tuluy-tuloy na pagkilos at pagtitiyaga makukuha ang pagyaman. Sa pag-ibig, tama ang iyong ginawa, panatiliing second priority lang ang kasuyo at sabihin sa sariling “Ang priority ko talaga ay palaguin pang lalo ang aking kayamanan.”  Mapalad ang 5, 9, 19, 29 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Blue at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Ubusin ang lahat ng oras sa pagre-relax bago ka magkasakit. Sa pananalapi, mag-isip ng pagkakakitaan na magiging malusog ang iyong katawan at isipan. Sa pag-ibig, isama ang kasuyo sa isang bahay dalanginan.  Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 43, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Umati-Chal-Umati-Om.” Crystal green at blue.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Maging mautak! Magkunwaring laging walang pera upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, wag mahirating ikaw lagi ang taya, sa susunod nyong pagde-date, siya naman ang pagastusin mo. Mapalad ang 9, 18, 26, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Daig ng mautak, ang masipag!” Maroon at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, maging maingat sa pakikipag-relasyong may kaugnayan sa ka-immoralan. Sa pananalapi, wag magpa-bola sa matatamis na dila ng mga nagre-recruit sa negosyong pyramiding. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Red at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi ka dapat umasa sa mga pangako, dahil sa bandang huli, hindi naman tutuparin ng mga taong nangako ang kanilang pangako.  Wag ding asahan ang salapi na hindi mo pa hawak. Sa pag-ibig, maging masaya na kasalukuyang sitwasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Zepar-Malapahr-Hagar.” Violet at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Unahin ang mga taong nagmamahal sayo. Ipadama sa kanila na hindi mo nakakalimutan ang iyong obligasyon. Darating ang araw ang mga taong pinahalagahan mo ang siya ring tutulong sayo. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Valefor-Vassago-Vepar”. Red at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Iba’t ibang papuri ang iyong maririnig. Sa pinansiyal panatiliin ang pagpapakumbaba upang lalong tumaas ang kita. Sa pag-ibig, pakiligin ang minamahal, sabihin sa kanyang: “Mahal, ang lahat ng ginagawa kong ito ay para sa iyo!” Mapalad ang 1, 17, 22, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jehova-Hella-Cytheria-Om.” Orange at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending