Julius, Tintin nakipag-dinner kay Lang Leav: 'Na-miss ka namin dito Maine!!!' | Bandera

Julius, Tintin nakipag-dinner kay Lang Leav: ‘Na-miss ka namin dito Maine!!!’

Jun Nardo |February 23,2019
facebook
share this

Julius, Tintin nakipag-dinner kay Lang Leav: ‘Na-miss ka namin dito Maine!!!’

Jun Nardo - February 23, 2019 - 12:20 AM


NGAYONG araw ang meet and greet at book signing ng international best selling author na si Lang Leav sa SM Megamall at bukas naman ay nasa Alabang Town Center siya.

Isa si Maine Mendoza sa mga followers ni Leav at minsan nga ay nagpalitan pa sila ng tweet tungkol sa isang libro ng sikat na author na nabasa ni Meng.

Isa sa ginawa ng best-selling author pagdating sa Pilipinas ay makipag-dinner sa mag-asawang Julius at Tintin Babao.

Sa tweet photoc ni Julius, ibinahagi niya ang group pictorial nilang mag-asawa kay Leav matapos mag-usap tungkol sa iba’t ibang klase ng libro at mga pelikula.

Caption ni Julius sa ipinost na picture, “Na-miss ka namin dito @mainedcm!” Kasama rin sa dinner ang mother ni Lang.

q q q

Supportive girlfriend talaga si Carla Abellana sa boyfriend na si Tom Rodriguez.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Carla ang trailer ng ipalalabas na movie ni Tom, ang “Maledicto” na ang isa sa producers ay FOX Original Producions.

Sa IG caption ng Kapuso actress, inihayag niya ang suporta sa project ni Tom.

“I’ve been sooooo excited to see this movie for many months now!!! @akosimangtomas worked hard and enjoyed filming it!!!” caption ni Carla sa kanyang IG post.

Mula sa direksyon ni Mark Meily ang movie ni Tom ay ipalalabas na sa May 1. Bago ang showing nito, mapapanood naman simula sa March 4 ang bagong GMA afternoon series nila ni Janine Gutierrez na Dragon Lady.

q q q

Source ng nakaaantig na kuwento ang ilang audience sa Wowowin ni Willie Revillame. Isa na rito ang istorya ni Ethel Nierras kasama ang anak na si Honey Lou.

Sa kabila pala ng kanyang masayahing mukha, malungkot pala ang buhay ni Ethel dahil bata pa lang siya ay nakaranas na siya ng miserableng childhood mula sa kanyang ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Manilyn Reyes ang gaganap bilang Ethel sa Magpakailanman episode na “Mula Zambonga Hanggang Sementeryo: The Ethel Nierras Story,” kasama ang batang si Honey Lou as herself.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending