Maine, Alden tutulong sa Mga kabataan para labanan ang depresyon
SUPORTADO ng mga international authors ang book ni Maine Mendoza na “Yup I Am That Girl” na magkakaroon ng book launch sa Oct. 26, sa Trinoma Mall sa Q.C.
Pinaalalahanan ni Meng sa kanyang Facebook account na ang registration sa event ay strictly 1 p.m.
Inilabas ng best-selling authors na sina Lang Leav at Michael Faudet sa kani-kanilang Twitter account ang suporta sa bagong project ng Phenomenal Star.
Pinadala kina Leav at Faudet ni @sassymeng ang cover ng libro ni Meng para magpatulong sa promo ng book, “Wow, I love the cover! Please save me a copy @nbsalert,” tweet ng author. Ang latest book ni Lang ay “Sad Girls.”
“How exciting! I know Maine has such a passion for writing and it’s wonderful she s sharing her words with us,” reply naman ni Michael. Siya ang may akda ng best-selling “Dirty Pretty Things.”
Komo next week pa ang book launching and signing, sanib-puwersang muli ang AlDub Nation para panoorin ang telemovie nilang Love Is… ngayong Sabado sa Eat Bulaga.
Tatalakayin nito ang napapanahong topic na clinical depression ayon sa post ng co-star nina Meng at Alden Richards na si Shamaine Centenera Buencamino. Siguradong makakatulong ito sa mga kabataan ngayon para makaiwas sa depresyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.