NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang Alliance of Concerned Teachers matapos na malaman na wala pa rin ang dagdag na sahod ng mga guro ngayong taon.
Ayon kay ACT chairperson Joselyn Martinez noong Pebrero 21 ang paglabas ng sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan at wala silang nakuhang dagdag sa ilalim ng 4th tranche ng Salary Standardization Law.
Ang entry-level na public school teacher ay makatatanggap ng dagdag na P575 kada buwan.
Sinabi ni Martinez na taliwas ito sa sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na matatanggap na ngayong buwan ang dagdag sahod alinsunod sa Executive Order 201 na pinirmahan ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.
“Sec. Diokno earlier blames the lawmakers for the delay of the pay hike due to the latter’s failure to pass the 2019 budget. The legislators have ratified the national budget two weeks ago, what could be Diokno’s excuse now? Clearly, the problem is with the executive,” ani Martinez.
Hindi pa pinipirmahan ni Pangulong Duterte ang P3.575 trilyong national budget para ngayong taon.
“Obviously, P575 will do very little in salvaging us from the difficulties we are in. That’s why we ask Pres. Duterte and Sec. Diokno: what are you doing to make good on the promised pay hike for teachers this year?” tanong ni Martinez.
Nananawagan ang ACT na itaas sa P30,000 ang sahod ng Teacher I, P31,000 ang Instructor I at P16,000 ang Salary Grade 1 sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.