NAPANATILI ng bagyong Wutip ang lakas ng hanging dala nito pero bumagal ito habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration umuusad ang bagyo sa bilis na 15 kilometro pahilagang kanluran. Kamakalawa ito ay umuusad ng 25 kilometro.
Kaninang umaga ay may layo itong 2,400 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Ang hanging dala nito ay umaabot sa 130 kilometro ang bilis at may pagbugsong 160 kilometro bawat oras.
Hindi pa tiyak kung hindi na papasok ng PAR ang bagyo. Inaasahan na maaapektuhan ang bagyo ng Hanging Amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.