KUNG dati ay itinatago niya ang pagkakaroon ng pusong babae, ngayon ay unti-unti nang lumilitaw ang manipestasyon ng kanyang tunay na pagkatao.
Sa ilang araw ng sorties ay napansin ng ilang miyembro ng media na kumekembot at madalas na nakapamewang ang bida sa ating kwento ngayong araw.
Sinabi ng aking Cricket na parang nakatayo lang daw sa loob ng parlor si Sir sa tuwing siya’y nakatayo at nakikipag-usap sa ilang mga tao na nakakaharap ng kanilang grupo sa pangangampanya.
Hindi naman natin hinuhusgahan ang kanyang pagkatao pero ayaw niyang pag-usapan ang isyu ng kanyang sexuality.
Para sa ating bida ay napaka-pribado ng nasabing isyu na hangga’t maaari ay ayaw niya sanang malantad sa publiko.
Sinabi ng ilang kaibigan ni Sir na mas natatakot siya sa reaksyon ng ilang mga kaanak na nalantad na kapwa pala niya lalaki ang trip niyang makasama sa buhay.
Mataas kasi ang pagtingin sa kanya lalo na ng kanyang mga pamangkin at ayaw niya itong masira.
Noong bata pa si Madam, este si Sir pala, ay isa siyang consistent honor student hanggang sa magkolehiyo at kumuha ng kursong abogasya.
Mahusay na abogado, matalino, pero bobo raw si Sir pagdating sa pag-ibig.
Siya raw ang tipikal na kapag nagmahal ay todo-bigay sa kanyang karelasyon ayon pa sa aking Cricket.
Pero dahil panahon ng halalan dapat ay maging handa siya dahil anumang oras ay pwedeng maging sentro ng mga usapin ang kanyang sexual preference.
Ang bida sa ating kwento na ang pakiramdam niya ay isa siyang tunay na Eba ay si Mr. P…as in Peluka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.