UST booters itataya ang malinis na kartada kontra NU | Bandera

UST booters itataya ang malinis na kartada kontra NU

Melvin Sarangay - February 23, 2019 - 05:15 PM

Laro Linggo (Pebrero 24)
(FEU-Diliman)
9 a.m. Ateneo vs FEU
1 p.m. Adamson vs DLSU
3 p.m. UST vs NU

MAPATATAG ang kapit sa itaas ang hangad ng University of Santo Tomas sa pagsagupa nito sa National University ngayong Linggo sa UAAP Season 81 men’s football tournament sa FEU-Diliman pitch.

Magsasalpukan ang Growling Tigers at Bulldogs ganap na alas-3 ng hapon sa huling laro ng tatlong nakalatag na laban.

Magtutuos ang Adamson University, na magmumula sa dalawang sunod na tabla, at De La Salle University dakong ala-1 ng hapon habang ang Ateneo de Manila University ay magpipilit makabangon buhat sa pagkatalo sa University of the East sa pagharap sa Far Eastern University ganap na alas-9 ng umaga.

Binuksan ng Tigers ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 3-1 panalo kontra Green Archers bago nakihati ng puntos sa Falcons noong Huwebes sa iskor na 1-1.

Sinimulan naman ng NU ang season sa pamamagitan ng 1-1 draw kontra Adamson noong Linggo.

Magpipilit ang Falcons na magpakita ng katatagan matapos makakuha ng mga puntos sa naunang dalawang laro. Noong isang taon, hindi nagawang makapuntos ng Adamson sa mga laro nito.

Umaasa naman ang La Salle, na mga bagong manlalaro ang nasa roster, na makabawi buhat sa 2-0 pagkatalo sa UST.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending