Yasmien ga-graduate na sa college; itutuloy ang misyon para sa OFWs | Bandera

Yasmien ga-graduate na sa college; itutuloy ang misyon para sa OFWs

Ervin Santiago - February 22, 2019 - 12:05 AM

YASMIEN KURDI

PANGARAP ni Yasmien Kurdi na makatulong sa mga problema ng mga OFWs sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ito ang isa sa mga rason kung bakit Political Science ang napili niyang course. At ngayong malapit na siyang magtapos (sa darating na April) nais ng Kapuso actress na magpursige pa para matugunan ang suliranin ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.

“Dati kasi, ‘yung first course ko bago ako mag-Nursing is Foreign Service. Tapos nu’ng panahon na ‘yon, kaya ako na-inspire na kunin ‘yong course na ‘yon, kasi nu’ng tumira kami sa ibang bansa, nakita namin ‘yong mga OFW. ‘Yung mom ko mismo overseas Filipino worker siya,” pahayag ni Yas sa nakaraang presscon ng bago niyang serye sa GMA, ang Hiram Na Anak.

“Nakita ko mismo ‘yong struggle ng mga Filipinos noon, naisip ko baka isang araw puwede ko rin silang matulungan in my own little ways,” paliwanag ng aktres.

Balak ba niyang ipagpatuloy ang kanyang kurso sa Law? “Hindi po ako maglo-law, if ever itutuloy ko pa siya, baka mag-masteral ako ng consular diplomacy.”

Hindi raw niya ipinagpatuloy ang Nursing noon dahil, “Kailangan kasi kapag sa Nursing, full ‘yong sched ko. Kailangan ko mag-quit sa showbiz, ayoko na po mag-quit. Hindi ko na po kayang mawala sa ‘kin ‘to dahil ‘eto ‘yong mahal ko.”

Kung minsan nga raw ay nagi-guilty siya dahil nabawasan talaga ang time niya para sa asawa niyang si Rey Soldevilla dahil sa kanyang pag-aaral, lalo na nu’ng kasagsagan ng paggawa niya ng thesis.

“Medyo naano ko ‘yong kay Rey kasi medyo konti na lang ‘yong time namin together habang nag-aaral ako kasi hindi talaga kaya pero sabi ko sakanya konting tiis lang, like malapit na ako matapos, konting push na lang graduation na,” aniya pa.

“Ang hirap po, hindi ko po akalain na matatapos akong mag-aral, tapos na! Magbabayad na lang ako for graduation fee, TOGA, ‘yon na lang ‘yong inaayos ko. Aakyat ako sa stage PICC, April 6,” kuwento pa ni Yasmien.

Samantala, ang upcoming daytime series ng aktres na Hiram Na Anak ay magsisimula na sa darating na Lunes bago mag-Eat Bulaga kung saan makakasama niya sina Dion Ignacio, Lauren, Young, Paolo Contis, Empress Schuck, Maey Bautista, Leanne Bautista at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending