CHED maglalabas ng memo vs pangangampanya
MAGLALABAS ng memorandum ang Commission on Higher Education upang maiwasan na magamit sa pangangampanya ang mga paaralan sa kolehiyo.
Ayon kay CHED chair Prospero de Vera na layunin ng ilalabas na memorandum na maiwasan ang pag-iimbita sa mga kandidato na magsalita sa mga graduation rites upang manghikayat na siya ay iboto.
Ang maaari umanong gawin ng mga paaralan ay magsagawa ng mga debate upang makilala ng mga estudyante ang mga kandidato. Dapat ay hindi rin umano mamili ng iimbitahan ang mga eskuwelahan na magsasagawa ng debate.
Nauna ng nagbabala ang Department of Education sa mga empleyado nito na huwag sumali sa pulitika gaya ng pagsusuot ng t-shirt ng mga pulitiko, pamimigay ng mga campaign paraphernalia at pagsama sa mga political rally at caucus lalo na ang mag guro na uupo bilang mga board of election inspectors sa araw ng halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.