#Katsipan: Female star na nanay ng sikat na aktor uhaw sa atensyon | Bandera

#Katsipan: Female star na nanay ng sikat na aktor uhaw sa atensyon

Cristy Fermin |February 21,2019
facebook
share this

#Katsipan: Female star na nanay ng sikat na aktor uhaw sa atensyon

Cristy Fermin - February 21, 2019 - 12:15 AM


MATAGAL nang ambisyon ng isang female personality ang sumikat. Lahat-lahat ay ginagawa niya para lang siya makilala. Kumakanta siya, umaarte, pero sadyang mailap ang kapalaran sa kanya.

Maraming taon siyang nagmistulang TH (trying hard), isinisingit niya ang kanyang sarili sa pelikula at mga serye, pero talagang hindi pa niya panahon.

Hanggang sa dumating ang napakalaking biyaya sa kanyang buhay, aksidenteng napiili ang kanyang anak para makatambal ng isang young actress, du’n na nagsimulang magkulay rosas ang mundo ng female personality.

Kuwento ng aming source, “Sinuwerte rin siya, siyempre, hindi lang ang anak niya. Nagkaroon din siya ng show, palagi na rin siyang nagiging guest ngayon sa iba-ibang TV shows sa network kung saan sila nakakontratang magnanay.

“Kaya lang, dahil ngayon pa nga lang siya nakakatikim ng ganito kagandang attention, e, umiiral pa rin ang katsipan niya paminsan-minsan. Wala sa tiyempo ang mga kadramahan niya.

“Kunwari, may mga nakatingin sa kanya, sasabihin niya agad, ‘Gusto n’yong magpa-picture sa akin, hano?’ Agad na siyang magpo-pose, wala na ring magawa ang mga nakatingin sa kanya kundi ang magpa-picture na lang sa kanya!” humahalakhak na buwena-manong chika ng aming source.

Minsan ay maraming faney na naghihintay sa lobby ng isang building. Sa probinsiya ang location, katatapos lang ng show ng loveteam na sikat, sinamahan lang ng female personality ang kanyang anak.

Patuloy na chika ng aming impormante, “Nakasakay na siya sa van ng producer, paalis na dapat sila, pero pinahinto niya ang driver, ‘Sandali, may mga gusto lang magpakuha ng picture sa akin.’

“Ang totoo, e, hindi naman siya ang inaabangan ng mga fans, kundi ang loveteam, pero siya na ang agad-agad na umeksena para sa pictorial. Natural, nagulat man ang mga nandu’n, nakipag-picture na rin sila sa female personality!

“Nakakaloka siya! Asyumera ang mommy na ‘yun ng sikat na heartthrob, feeling talaga niya, e, siya ang sikat at hindi ang anak niya!

“Pinagtatawanan kaya siya dahil sa pagiging palaeksena niya! Ngayon pa lang kasi niya natitikman ang ganyan, kaya umo-OA siya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ingat kayo sa panghuhula, baka madaganan niya kayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending