Ariana Grande sinorpresa ang TNT Boys: I’m obsessed with you guys! | Bandera

Ariana Grande sinorpresa ang TNT Boys: I’m obsessed with you guys!

Ervin Santiago |February 20,2019
facebook
share this

Ariana Grande sinorpresa ang TNT Boys: I’m obsessed with you guys!

Ervin Santiago - February 20, 2019 - 07:28 PM

NA-SHOCK ang international sensation na TNT Boys nang sorpresahin sila ng pop superstar na si Ariana Grande sa guesting nila sa The Late Late Show With James Corden kanina (Manila time).
Dream come true para sa grupo ang makita at makasama up close and personal si Ariana.

Kilalang fans ng award-winning international singer sina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez at Francis Concepcion, kaya naman laking gulat na lang nila nang biglang lumabas si Ariana sa stage para makipag-duet sa kanila ng “And I Am Telling You I’m Not Going.”

“I’m obsessed with you guys. You guys are so incredible. That was so beautiful,” pahayag ni Ariana sa TNT Boys, na halos hindi naman makapagsalita dahil sa gulat at saya. Sinabi naman ni Francis, “Is this a dream?”

Matapos naman ang taping ng episode, nakipagchikahan at piktyuran sa backstage ang “Thank U, Next” singer kasama sina Mackie, Keifer at Francis at inaming ninerbyos siya bago sumalang sa stage para sa kanilang duet.

Sinorpresa ni James ang TNT Boys nang malaman nitong idolo nila si Ariana mula sa usapan nila backstage sa international competition na The World’s Best, na pinapangunahan din ni James bilang host.

Bago naman ang performance ng TNT Boys sa The Late Late Show, tinawag niyang “the cutest boyband on the planet” ang trio nina Mackie, Keifer at Francis.

Tuloy-tuloy nga ang pagtaas ng TNT Boys ng bandera ng bansa at pagpapabilib sa buong mundo sa international talent competition na The World’s Best, kung saan pinahanga nila ang American judges na sina Faith Hill, RuPaul at Drew Barrymore pati na ang “wall of the world,” na binubuo ng 50 sa pinakamatatagumpay na eksperto sa mundo ng entertainment.

Isa lamang ang TNT Boys sa Pinoy artists na matagumpay na kinikilala sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa patuloy na pagtataguyod at pagbabahagi ng ABS-CBN ng talento ng mga Pilipino sa buong mundo.

Unang nakilala sina Mackie, Keifer at Francis bilang grand finalists ng “Tawag ng Tanghalan Kids” at nabuo bilang grupo noong 2017.

Matinding galing sa pag-awit ang kanilang ipinamalas na nagdala sa kanila sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang na sa “Little Big Shots” UK, US, at Australia, at nakapag-perform na rin sila sa harap ng iba’ -ibang head of states gaya nina Pres. Rodrigo Duterte, Singaporean president Halimah Yacob, at Papua New Guinea prime minister Peter O’ Neill. Sila rin ang itinanghal na grand winner ng ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending