Tsinoy businessman patay, misis sugatan sa pamamaril sa simbahan | Bandera

Tsinoy businessman patay, misis sugatan sa pamamaril sa simbahan

John Roson |February 20,2019
facebook
share this

Tsinoy businessman patay, misis sugatan sa pamamaril sa simbahan

John Roson - February 20, 2019 - 05:59 PM

NASAWI ang negosyanteng Filipino-Chinese at sugatan ang kanyang asawa, nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa isang simbahan sa Bacolod City, Martes ng gabi.

Itinakbo pa sa pagamutan si Alex Yao, 57, ngunit binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Nagtamo naman ng mga tama ng bala sa kaliwang kamay ang misis niyang si Ma. Theresa, 56.

Naganap ang pamamaril alas-8:35, sa Redemptorist church na nasa B.S. Aquino drive, Brgy. 5.

Kadadalo lang ng mag-asawa sa prayer meeting, at nang uuwi na sakay ng kanilang kotse’y pinaputukan ng isang lalaki.

Tumakas ang salarin sakay ng motorsiklong minaneho ng isa pang di kilalang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending